Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa: ito ang mga kilalang social media sites kung saan pwedeng maglibang, makipagkapwa-tao, maglabas ng mga saloobin ukol sa mga isyu sa mundo, at marami pang iba.
Sabi nga sa isang sikat na quote, “the world is here on our fingertips” dahil kapag nasa socmed ka, naaabot mo ang mundo dahil sa lakas na ibinibigay ng World Wide Web.
PH BILANG SOCIAL MEDIA CAPITAL
Sa katunayan, ang Pilipinas ay kilala bilang social media capital of the world. Ayon sa datos ng 2018 Global Digital report, na isinagawa ng We Are Social at Hootsuite, ang 63% ng mga Pilipino ay may access sa internet. Napagkaalaman ding naglalagi sa internet ang mga Pinoy nang higit sa average na tatlo hanggang 57 minuto.
Sumunod naman ang bansang Brazil na 3 oras at 39 minuto, at ang ating kapit-bansang Indonesia, na 3 oras at 23 minuto.
Pagdating naman sa malawakang pag-gamit, ang Pilipinas ay nagtatagal sa internet ng 9 oras at 29 minuto.
Dahil sa marami ang gumagamit ng social media, naging midyum na ito ng iba’t-ibang abokasiya para maiparating sa mga tao ang kanilang layunin para sa ikabubuti ng bansa, at para rin ma-involve sila sa pag-gawa ng mga solusyon.
Ang isa sa mga adbokasiyang ito ang LGBT acceptance.
LGBT PAGES SA FACEBOOK
Sa ibang bansa, maraming nagsi-sulputang mga page sa socmed katulad na lamang ng Lizzy The Lezzy at Have A Gay Day, kung saan ine-educate ang mga tao tungkol sa pagiging LGBT.
Sa kaso ng pahinang Lizzy The Lezzy, pag may mga bumabatikos sa mga post nito, ay dinadaan ang pagkontra sa pagiging witty. Dahil dito ay mas minahal pa lalo ng mga tao si Lizz The Lezzy. Minahal din lalo ng mga tao ang pahina dahil sa kataga nitong “Being Gay is Not A Sin, It Is Fabulous”.
Ang Lizzy The Lezzy ay isang animated stand-up comedy web series na nilikha ng isang cartoonist na si Ruth Selwyn noong 2006, kung saan tinatalakay ang hilig ng mga interes ng isang lesbyana. Ang mga videos ni Lizzy ay umani ng 4 na milyong views online.
Pagdating naman sa Pilipinas, maraming nagsisulputang mga pages na LGBT kung saan mas nabibigyan ng empowerment ang mga LGBT – katulad ng LGBT Pilipinas, kung saan ang mga content nila ay may nafe-feature na magkasintahang LGBT at kanilang karanasan, quotes at marami pang iba.
Ang LGBT Tweets That Matter naman, ipinapakita ang mga nakakatuwa at makabuluhang tweets na ipinakikita ang mga karanasan ng mga LGBT dito sa ating bansa.
Ang Bahaghari ay isang pambasa-demokratikong organisasyon ng mga militante at makabayang LGBT sa Pilipinas, at dini-discuss nila kung paano nakaaapekto ang mga social issue katulad ng kontraktuwalisasyon, komersalisasyon, at marami pang iba sa isang LGBT. Kasama rin sa kanilang mga diskusyon ang mga struggles na nararanasan nila, at ang mga problema ng bansa.
MGA AMBAG AT SULIRANIN
Malaki ang naging ambag ng mga pages na ito sa LGBT empowerment dahil marami ang lumalakas ang loob na ilahad ang kanilang mga tunay na pagkatao. Nagagawa nila ito, dahil lumalabas na marami naman pala ang nakakaintindi sa kanila.
Kung noon ang tingin ng mga tao sa mga LGBT ay mga baklang nakapambihis babae parati, o tomboy na nakapanlalaking suot lamang, ngayon ay mas nakikita na kung gaano ka-diverse ang iba't ibang bahagi ng LGBT community.
Sa socmed naipapakita ang mga buhay-buhay ng mga LGBT, halimbawa na lamang ang kanilang love life. Nagiging mas malakas ang kumpiyansa sa sarili ng mga LGBT dahil kahit sila'y nakapaloob sa isang mapanghusgang lipunan, may mga nakauunawa pa rin naman pala sa kanila.
Ang social media din ang isa sa mga instrumentong ginamit ng community upang makatulong sa laban na maipasa ang SOGIE Equality Bill, nang mas ma-educate pa ang mga tao kung ano ba talaga ang SOGIE, at kung ano ba ang kahalagahan nito, at kung bakit ito kailangang ipasa kongreso.
Maraming naging papuri’t batikos na natanggap ang bill na ito, dahil sa ating bansa ay tolerated lamang ang mga LGBT at hindi lubusang tanggap ng nakararami. Kahit ganito ang kasalukuyang sitwasyon, patuloy lang ang pagpopromote at pagbibigay kaalaman sa batas na ito. Ang mga principal authors ng SOGIE Equality Bill ay si Geraldine Roman at Kaka Bag-ao.
* * *
Nagiging popular na rin ang mga LGBT-themed web series dito sa ating bansa, tulad na lamang ng Hanging Out at Ur_Tadhana.
Naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa dalawang web series na ito dahil naipapakita nito ang awtentikong pamumuhay ng mga miyembro ng LGBT community.
Kahit medyo malayo pa ang daan patungo sa pangtanggap, malaki ang pagsubok sa mga social media platforms at users, at higit na kailangan ngayon ng mga safe spaces para sa mga LGBT.
Tala:
Philippines Still World's Social Media Capital. Philippine Star. https://www.philstar.com/headlines/2018/02/03/1784052/philippines-still-worlds-social-media-capital-study 4 July 2018
Hanging Out Gay Web Series. CNN Philippines. https://www.haaretz.com/1.5019983
http://cnnphilippines.com/life/entertainment/television/2016/12/20/hanging-out-gay-web-series.html 4 July 2018SOGIE Equality Bill Passes - House. Rappler. https://www.rappler.com/nation/182796-sogie-equality-bill-passes-house 4 July 2018
|| Ang kolum na ito ay para sa segment na "BAHAGHARI" ni Bryan Elijah Trajano, isa sa mga kolumnista ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik
![](https://img.wattpad.com/cover/151591766-288-k796451.jpg)
BINABASA MO ANG
Kadlit Kolum: Koleksiyon ng mga Kolum
NonfiksiKoleksiyon ng mga kolum mula sa iba't ibang kolumnista ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik.