25 "Ay, 'di saan ngayon ako mangangapit!
saan ipupukol ang tinangis-tangis,
kung ayaw na ngayong dinigin ngLangit,
ang sigaw ng aking malumbay na boses!"26 "Kung siya mong ibig na ako'y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata;
isagi mo lamang sa puso ni Laura
ako'y minsan-minsang mapag-alaala."27 "At dito sa laot ng dusa't hinagpis,
malawak na lubhang aking tinatawid;
gunita ni Laura sa naabang ibig,
siya ko na lamang ligaya sa dibdib."28 "Munting gunam-gunam ngsinta ko't mutya
nang dahil sa aki'y dakila kong tuwa;
higit sa malaking hirap at dalita,
parusa ng taong lilo't walang awa."29 "Sa pagkagapos ko'y guni-gunihin,
malamig nang bangkay akong nahihimbing;
at tinatangisan ng sula ko't giliw,
ang pagkabuhay ko'y walang hangga mandin."30 "Kung apuhapin ko sa sariling isip,
ang suyuan naman ng pili kong ibig;
ang pagluha niya kung ako'y may hapis,
nagiging ligaya yaring madlang sakit."31 "Nguni, sa aba ko! sawing kapalaran!
ano pang halaga ng gayong suyuan
kung ang sing-ibig ko'y sa katahimikan
ay humihilig na sa ibang kandungan?"32 "Sa sinapupunan ng Konde Adolfo,
aking natatanaw si Laurang sinta ko;
kamataya'y nahan ang dating bangis mo,
nang 'di ko damdamin ang hirap na ito?"• Sinabi ni Florante sa kanyang sarili na kaya niyang tiisin ang pagdurusa, kung ito ang gustong mangyari ng Maykapal. Iisa lamang ang tangi niyang hiling, ang maalala siya ng kanyang minamahal sa si Laura. Di niya maiwasang maalala ang kanilang suyuan, at iniisip niya na baka agawin si Laura ng kanyang karibal na si Adolfo.
BINABASA MO ANG
Florante at Laura ni Francisco Baltazar
Historical FictionFlorante at Laura ni Francisco Baltazar (Complete Modern Tagalog Version)