108 Di pa natatapos itong pangungusap,
may dalawang leong hangos ng paglakad;
siya'y tinutungo't pagsil-in ang hangad,
ngunit nangatigil pagdating sa harap.109 Nangaawa mandi't nawalan ng bangis
sa abang sisil-ing larawan ng sakit;
nangakatingala't parang nakikinig
sa 'di lumilikat na tinangis-tangis.110 Anong loob kaya nitong nagagapos,
ngayong nasa harap ng dalawang hayop,
na ang balang ngipi't kuko'y naghahandog?
Isang kamatayang kakila-kilabot!111 Di ko na masabi't luha ko'y nanatak,
nauumid yaring dilang nangungusap;
puso ko'y nanlalambot sa malaking habag,
sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.112 Sinong 'di mahapis na may karamdaman
sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay;
lipos ng pighati saka tinutunghan,
sa laman at buto niya ang hihimay!113 Katiwala na nga itong tigib sakit
na ang buhay niya'y tuntong na sa guhit;
nilagnat ang puso't nasira ang boses,
'di na mawatasan halos itong hibik.114 Paalam, Albanyang pinamamayanan
ng kasam-a't lupit, bangis, kaliluhan,
akong tanggulan mo'y kusa mang pinatay,
sa iyo'y malaki ang panghihinayang.115 Sa loob mo nawa'y huwag mamilantik
ang panirang talim ng katalong kalis,
magka-espada kang para nang binitbit
niring kinuta mong kanang matangkilik.116 Kinasuklaman mo ang ipinangako
sa iyo'y gugulin niniyak kong dugo;
at inibig mo pang hayop ang magbubo
sa kung itanggol ka'y maubos tumulo.117 Pagkabata ko na'y walang inadhika
kundi paglilingkod sa iyo't kalinga;
'di makailan kang babal-ing masira,
ang mga kamay ko'y siyang tumimawa.118 Dustang kamatayan ang bihis mong bayad;
datapuwa't sa iyo'y magpapasalamat,
kung pakamahali't huwag ipahamak
ang tinatangisang giliw na nagsukab.119 Yaong aking Laurang hindimapapaknit
ng kamatayan man sa tapat kong dibdib
paalam, bayan ko, paalam na ibig,
magdarayang sintang 'di manaw sa isip!120 Bayang walang loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
magdiwang na ngayo't manulos sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa.121 Nasa harap ko na ang lalong marawal,
mabangis na lubhang lahing kamatayan;
malulubos na nga ang iyong kasam-an,
gayundin ang aking kaalipustaan.122 Sa abang-aba ko! diyata, O Laura ...
mamamatay ako'y hindi mo na sinta!
ito ang mapait sa lahat ng dusa;
sa'kin ay sino ang mag-aalaala!123 Diyata't ang aking pagkapanganyaya,
'di mo tatapunan ng kamunting luha!
kung yaring buhay ko'y mahimbing sa wala,
'di babahaginan ng munting gunita!124 Guniguning ito'y lubhang makamandag,
agos na, luha ko't puso'y maaagnas;
tulo, kaluluwa't sa mata'y pumulas,
kayo, aking dugo'y mag-unahang matak.125 Nang matumbasan ko ng luha, ang sakit
nitong pagkalimot ng tunay kong ibig,
huwag yaring buhay ang siyang itangis
kundi ang pagsintang lubos na naamis.• Samantala, mayroong palapit na dalawang leon, na sa pagkakita pa lamang ay parang nais nang kainin si Florante. Tila napatigil ang mga leon at nakalimutan ng mga ito ang kanilang tangkang pagkain sa kanya.
Sa pagkakataong iyon, nagpaalam na si Florante sa Albanya, na puno na ngayon ng kasamaan at kanyang minamahal na si Laura. Wala siyang naisip kundi ipagtanggol ang kanyang bayan subalit di niya inaasahang ganoon na lamang ang kahihinatnan ng kanyang pagsasakripisyo sa bansa dahil ipapakain lang pala siya sa dalawang leon.
BINABASA MO ANG
Florante at Laura ni Francisco Baltazar
Ficción históricaFlorante at Laura ni Francisco Baltazar (Complete Modern Tagalog Version)