232 Naging santaon pa ako sa Atenas,
hinintay ang loob ng ama kong liyag;
sa aba ko't noo'y tumanggap ngsulat
na ang balang letra'y iwang may kamandag.233 Gunamgunam na 'di napagod humapis,
'di ka naianod ng luhang mabilis;
iyong ginugulo ang bait ko't isip
at 'di mo payagang payapa ang dibdib!”234 Kamandag kang lagak niyong kamatayan
sa sintang ina ko'y 'di nagpakundangan;
sinasariwa mo ang sugat na lalang
ng aking tinanggap na palasong liham!235 Tutulungan kita ngayong magpalala
ng hapdi sa pusong 'di ko maapula;
namatay si ina. Ay! Laking dalita
ito sa buhay ko ang unang umiwa.236 Patay na dinampot sa aking pagbasa
niyong letrang titik ng bikig na pluma;
diyata, ama ko, at nakasulat ka
ng pamatid-buhay sa anak na sinta!237 May dalawang oras na 'di nakamalay
ng pagkatao ko't ng kinalalagyan;
dangan sa kalinga ng kasamang tanan
ay 'di mo na ako nakasalitaan.238 Nang mahimasmasa'y narito ang sakit,
dalawa kong mata'y naging parang batis;
at ang Ay, ay, inay! kung kaya mapatid
ay nakalimutan ang paghingang gipit.239 Sa panahong yao'y ang buo kong damdam
ay nanaw na sa akin ang sandaigdigan;
nag-iisa ako sa gitna ng lumbay,
ang kinakabaka'y sarili kong buhay.• Namalagi pa si Florante ng isang taon sa Atenas hanggang tumanggap siya ngisang liham mula sa Albanya. Ibinalita ngkanyang ama na pumanaw na ang kanyang ina. Laking sama ng loob ang idinulot nito kay Florante.
BINABASA MO ANG
Florante at Laura ni Francisco Baltazar
HistoryczneFlorante at Laura ni Francisco Baltazar (Complete Modern Tagalog Version)