Aberno
isang lawa na ayon sa paniniwala ay siyang pinakapintuang papunta sa impiyerno.Adarga
kalasag o pananggang pabilog na balat.Adonis
isang baguntaong sakdal ganda, anak ni Siniro na hari sa Tsipre.Albanya
isang lupaing sakop ng Gresya.Alkon
isang ibong kaaway ng lahat ng uri ng ibon at iba pang mga hayop.Apolo
anak na lalaki nina Hupiter at Latona.Atenas
ang pangunahing bayan ng Gresya at bayan ng mga batang matatalino sa Gresya.Aurora
anak ng Araw at Buwan (Baltazar).Bai
isang bayan ngayon sa Laguna.Basilisco
isang hayop na may anyong butiki, umano ang hininga at kislap ay nakamamatay.Beata
isang ilog sa purok ng Pandakan, lungsod ng Maynila.Benusang
diyosa ng kagandahan na umano ay anak ni Hupiter kay Diyone.Buwitre
isang uri ng ibong mandaragit na ang ikinabubuhay ay mga laman ng hayop na patay.Cipres
isang uri ng punong-kahoy sa bundok; tuwid, malaki at malilim ang tubo, paitaas na lahat ang ayos, hugis-puso, karaniwang itinatanim sa puntod.Diana
ang diyosa ng liwanag.Edipo
anak ni Layo na hari sa Tebas at Reyna Yokasta.Epiro
isang matandang purok sa Timog-Kanluran ng Turkia at Hilagang-Kanluran ng Gresya.Emir
salitang Turko; ngalan ng isang may mataas na tungkulin sa pamahalaan ng Turkia na katumbas ng gobernador militar.Etolya
isang lupaing sakop ng matandang Gresya.Etyokles
kapatid ni Polinese at anak ni Edip na hari ng Tebas at Reyna Yokasta.Furias
mga diyosa ng katarungan na kaya itinalaga sa impiyerno ay upang sila ang magparusa sa mga makasalanan sa lupa.Harpyas
isang ibong may mukhang babae, kawawang ibon, baluktot ang kamay at nakakabit sa pakpak.Hauris
isa sa mga dalagang sakdal ganda na likha ng isipang makapapanampalataya ng mga musulman na ang tungkulin ay umakay ng mga mapapalad na pinagpala sa paraiso.Hiena
isang uri ng hayop sa Aprika, ang mukha nito ay kahawig ng lobo.Higera
mayabong na punong-kahoy na malalapad ang mga dahon, di namumunga, baog.Kosito
isang ilog sa Epiro na makamandag ang tubig.Krotona
ito ang bayan o kaharian ng nuno sa ina ni Florante.Kupido
diyos ng pag-ibig ayon sa alamat ng mga Griyego.Marte
kinikilalang bathala ng digma.Medyaluna
ang tinutukoy ay bandila ng mga Moro na ang kulay ay pulang-pula at may anyo ng kalahati ng buwan.Narciso
isang binatang sakdal kisig, anak ni Celfrino at ni Girope.Nayadas
mga diyosa na nananahan sa dagat o bukal na sinasamba ng di-binyagan.Nimpas
mga diyosa na nanahanan sa tubig at bundok.Oreadas Nimpas
mga diyos ng kalikasan na sinasamba ng mga hentil.Pama
isang uri ng diyosang sinasamba ng mga di-binyagan at tagapaglathala ng Gawain ng tao.Panggabing ibon
mga ibong malabo ang mga mata kung araw, kagaya ng kuwago at paniki.Parkas
mga diyosa ng kamatayan at tadhanang karatnan ng tao.Pebo (araw)
ito ang tinataguri ng mga makatang Latino at Griyego.Persia
isang kaharian sa dakong Asya na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Moro.Petako
isa ito sa pitong pantas ng Gresya.Pica - sibat
Polinese
anak ni Edipo, hari ng Tebes at Reyna Yokasta.Pluto
kinikilalang hari ng Impiyerno.Puryas
mga Diyos sa Impiyerno at binubuo ng tatlong babae: sina Megaera, Tisiphon at Alecto.Reynong Albanya
isang malaking siyudad sa Imperyo ng Gresya.Sierpe
ahas o serpiyente.Sihesmundo
isang tauhan sa tulang “Buhay ni Sihesmundo”, nakababago ng tula ay nasira ang isinulat.Sirenas
diyosa ng karagatan at kalahati ng katawan ay babae at kalahati ay isda.Nimpas
mga diwata o diyosa na naninirahan sa gubat, ilog, batis at bundok.Tigre
isang mabangis na hayop.Venus
diyosa ng pag-ibig at kagandahan.
BINABASA MO ANG
Florante at Laura ni Francisco Baltazar
Historical FictionFlorante at Laura ni Francisco Baltazar (Complete Modern Tagalog Version)