Kabanata 7: Pag-aalala Sa Ama

2K 9 0
                                    

83   Sa nawikang ito luha'y pinaagos,
pika'y isinaksak saka naghimutok;
nagkataon namang parang isinagot
ang buntung-hininga niyong nagagapos.

84   Gerero'y namangha nang ito'y marinig
pinagbaling-baling sa gubat ang titig;
nang walang makita’y hinintay umulit,
'di naman nalao't nagbagong humibik.

85   Ang bayaning Moro'y lalo nang namaang,
Sinong nananaghoy sa ganitong ilang?
lumapit sa dakong pinanggagalingan
ng buntung-hininga't pinakimatyagan.

86   Inabutan niya'y ang ganitong hibik:
Ay, mapagkandiling amang iniibig!
Bakit ang buhay mo'y naunang napatid,
ako'y inulila sa gitna ng sakit?

87   Kung sa gunita ko'y pagkuru-kuruin
ang pagkahulog mo sa kamay ngtaksil,
parang nakikita ang iyong narating,
parusang marahas na kalagim-lagim.

88   At alin ang hirap na 'di ikakapit
sa iyo ng Konde Adolfong malupit?
ikaw ang salamin sa Reyno ng bait,
pagbubutunan ka ng malaking galit.

89   Katawan mo ama'y parang namamalas
ngayon ng bunso mong lugami sa hirap;
pinipisang-pisang at iniwawalat
ng pawa ring lilo't berdugo ngsukab.

90   Ang nagkahiwalay na lamanmo't buto,
kamay at katawang nalayo sa ulo,
ipinaghagisan niyong mga lilo
at walang maawang maglibing ngtao.

91   Sampu ng lingkod mo't mga kaibigan,
kung kampi sa lilo'y iyo nang kaaway;
ang 'di nagsiayo'y natatakot namang
bangkay mo't ibao't mapaparusahan.

92   Hanggang dito ama'y aking naririnig,
nang ang iyong ulo'y itapat sa kalis;
ang panambitan mo't dalangin sa langit,
na ako'y maligtas sa kukong malupit.

93   Ninanasa mo pang ako'y matabunan,
ng bangkay sa gitna ngpagpapatayan,
nang huwag mahulog sa panirang kamay
ng Konde Adolfong higit sa halimaw.

94   Panalangin mo'y 'di pa nagaganap,
sa liig mo'y biglang nahulog ang tabak;
nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
ang Adiyos, bunso't buhay mo'y lumipas!

95   Ay, amang ama ko! Kung magunam-gunam —
madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
ipinapalaso ng kapighatian —
luha niring pusong sa mata'y nunukal.

96   Walang ikalawang ama ka sa lupa
sa anak ng kandong sa pag-aaruga;
ang munting hapis kong sumungaw sa mukha,
sa habag mo'y agad nanalong ang luha.

97   Ang lahat ng tuwa'y natapos sa akin,
sampu niring buhay ay naging hilahil;
ama ko'y hindi na malaong hihintin
ako't sa payapang baya'y yayakapin.

• Ang mga panaghoy ng nakagapos na tungkol sa mga kasamaang nangyari sa kanyang bayan: ang pagkawala ngkanilang mga karapatan, ang pangingibabaw ng katiwalian laban sa kabutihan; ang akala niyang pagtataksil ni Laura; ang pagpatay sa hari at mga kabig nito kasama na ang kanyang ama; ay nadinig lahat ng gererong Morokaya tinunton niya ang boses na pinanggagalingan ng panaghoy.

Florante at Laura ni Francisco BaltazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon