197 Pag-ibig anaki'y aking nakilala,
'di dapat palakihin ang bata sa saya;
at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.198 Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis,
namamaya'y sukat tibayan ang dibdib;
lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis ...
anong ilalaban sa dahas ng sakit?199 Ang taong magawi sa ligaya't aliw,
mahina ang puso't lubhang maramdamin;
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratni'y 'di na matutuhang bathin.200 Para ng halamang lumaki sa tubig,
daho'y nalalanta munting 'di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init;
gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig.201 Munting kahirapa'y mamalakhing dala,
dibdib palibhasa'y 'di gawing magbata,
ay bago sa mundo'y walang kisapmata,
ang tao'y mayroong sukat ipagdusa.202 Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.203 Sa taguring bunso't likong pagmamahal,
ang isinasama ng bata'y nunukal;
ang iba'y marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.204 Ang lahat ng ito'y kay amang talastas,
kaya nga ang luha ni ina'y hinamak;
at ipinadala ako sa Atenas —
bulag na isip ko'y nang doon mamulat.• Sinabi ni Florante na hindi dapat palakihin ang mga bata sa saya dahil kapag ito'y namihasa, kapag lumaki na ay mahihirapan. Madalas, ang mga taong ganito ay masakitin at maramdamin.
Ipinadala sa Atenas si Florante upang mag-aral nang siya’y 11 taong gulang upang doon ay mamulat ang kanyang kaisipan.
BINABASA MO ANG
Florante at Laura ni Francisco Baltazar
Historical FictionFlorante at Laura ni Francisco Baltazar (Complete Modern Tagalog Version)