Mga Tauhan

3.7K 28 0
                                    

Mga pangunahing tauhan :

Florante
Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang pangunahing tauhan ng awit. Halal na Heneral ng hukbo ng Albanya. Magiting na bayani, mandirigma at heneral ng hukbong magtatanggol sa pagsalakay ng mga Persiyano at Turko.

Laura
Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni Florante. Tapat ang puso sa pag-ibig ngunit aagawin ng buhong na si Adolfo.

Adolfo
Anak ng magiting na si Konde Sileno ng Albanya. Kabaligtaran ng kanyang ama, si Adolfo ay isang taksil at lihim na may inggit kay Florante mula nang magkasama sila sa Atenas. Siya ang mahigpit na karibal ni Florante sa pag-aaral at popularidad sa Atenas. Ang malaking balakid sa pag-iibigan nina Florante  at Laura, at aagaw sa trono ni Haring Linceo ng Albanya.

Aladin
Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-adab. Mahigpit na kaaway ng bayan at relihiyon ni Florante, ngunit magiging tagapagligtas ni Florante.

Flerida
isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya para hanapin sa kagubatan ang kasintahang si Aladin. Siya ay magiging tagapagligtas ni Laura mula kay Adolfo.

Menandro
Ang matapat na kaibigan ni Florante. Mabait at laging kasa-kasama ni Florante sa digmaan.

Mga iba pang tauhan :

Duke Briseo
ang mabait na ama ni Florante. Taga-payo ni Haring Linceo ng Albanya.

Prinsesa Floresca
Ang mahal na ina ni Florante.

Haring Linceo
hari ng Albanya at ama ni Prinsesa Laura.

Antenor
ang mabait na guro sa Atenas. Guro nina Florante, Menandro at Adolfo. Amain ni Menandro.

Konde Sileno
Ang ama ni Adolfo na taga-Albanya.

Heneral Miramolin
Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya.

Heneral Osmalik
Ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona. Siya ay napatay ni Florante.

Sultan Ali-abab
Ang ama ni Aladin na umagaw sa kanyang magandang kasintahang si Flerida.

Menalipo
Ang pinsan ni Florante. Siya ang pumana sa buwitre na sana'y daragit sa sanggol na si Florante.

Hari ng Krotona
Ama ni Prinsesa Floresca at lolo ni Florante.

Florante at Laura ni Francisco BaltazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon