98 Sandaling tumigil itong nananangis
binigyang panahong luha'y tumagistis
niyong naaawang Morong nakikinig
sa habag ay halos magputok ang dibdib.99 Tinutop ang puso at saka nagsaysay,
Kailan, aniya, luha ko'y bubukal
ng habag kay ama at panghihinayang
para ng panaghoy ng nananambitan?100 Sa sintang inagaw ang itinatangis,
dahilan ng aking luhang nagbabatis;
yao'y nananaghoy dahil sa pag-ibig
sa amang namatay na mapagtangkilik.101 Kung ang walang patid na ibinabaha
ng mga mata ko'y sa hinayang mula
sa mga palayaw ni ama't aruga
malaking palad ko't matamis na luha.102 Ngunit ang nananahang maralitang tubig
sa mukha't dibdib ko'y laging dumidilig,
kay ama nga galing dapuwa't sa bangis,
hindi sa andukha at pagtatangkilik.103 Ang matatawag kong palayaw sa akin
ng ama ko'y itong ako'y paliluhin,
agawan ng sinta't panasa-nasaing
lumubog sa dusa't buhay ko'y makitil.104 May para kong anak na napanganyaya,
ang layaw sa ama'y dusa't pawang luha,
hindi nakalasap kahit munting tuwa
sa masintang inang pagdaka'y nawala!105 Napahinto rito't narinig na muli
ang panambitan niyong natatali,
na ang wika'y Laurang aliw niring budhi,
paalam ang abang kandong ngpighati.106 Lumagi ka nawa sa kaligayahan,
sa harap ng 'di mo esposong katipan;
at huwag mong datnin yaring kinaratnan,
ng kasing nilimot at pinagliluhan.107 Kung nagbangis ka ma't nagsukab sa akin,
mahal ka ring lubha dini sa panimdim;
at kung mangyayari, hanggang sa malibing,
ang mga buto ko, kita'y sisintahin.• Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante dahilan sa isang Morong na nakikinig sa kanya. Nabatid niyang napaiyak ang Moro dahil sa ang kanyang sinisinta ay inagaw ng sariling ama. Samantalang si Florante naman ay namaalam na kay Laura at pinagdasal na sana ay maging masaya ito sa piling ng iba.
BINABASA MO ANG
Florante at Laura ni Francisco Baltazar
Ficção HistóricaFlorante at Laura ni Francisco Baltazar (Complete Modern Tagalog Version)