Heart
Hay buhay, parang life. Eto na naman ako nakatunganga sa ulap at nag-iisip. Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko kayang sagutin. Mga tanong ng "bakit?" pero wala namang sagot. Ang sakit na ng ulo ko kakaisip sa mga bagay-bagay. Kakahanap ng sagot.
Ako nga pala si Heart Delos Santos, 17 years old nako, graduating ng College. Nag-aaral ako sa Dream High Academy. Oh, diba? ang gara ng school na pinapasukan ko? dream high daw! kaya eto ako nangangarap ng mataas. Madaming gustong marating ang kaso, may sakit ako sa puso eh. Nakakalungkot no? Andaming bawal, limitado lahat ng kilos. Bagay na bagay sa'kin ang pangalan ko diba? Heart kasi may sakit sa puso. Andami ko tuloy naalala nung nasa elementary at high school palang ako.
FLASHBACK
"uy mare! tignan mo yung bata oh, anlalaki ng mga kuko at ang iitim pa." sabi ng aleng naghatid din sa anak niya sa eskwelahang pinapasukan ko.
"oo nga ano? kawawa naman, bakit kaya?" tugon naman ng aleng kasama niya na napatingin din sa akin.
eh kung sapakin ko kaya itong mga ito? eh ano kung malalaki ang mga kuko ko sa kamay at paa? anong problema nila? edi sakanila nalang nang di nila ako pag chismisan. Sabi ko sa isip ko habang hawak ang magkabilang handle ng bagpack ko na nakasabit sa likod ko habang naglalakad papasok ng gate ng eskwelahan.
"Uy heart! nandiyan ka na pala! tara sabay na tayo pumasok!" sabi ni Stacie na may galak.
Kaklase ko na kasundo ko sa lahat ng bagay. Halos magka-ugali kasi kami kaya ganun.
"Sige, tara na baka makasapak ako ng matandang chismosa" tugon ko sakanya na may inis.
Pagpasok namin ng eskwelahan, aakyat pa kami sa 3rd floor para sa room namin.
"Kaya mo umakyat? gusto mo ipabuhat nalang kita?" sabi ni Stacie na nag-aalala.
"Hindi na kaya ko to, ako pa ba?" tugon ko habang nakangiti.
Pagdating namin sa tapat ng pinto ng room namin, "ok ka lang?" sabi ni Stacie
"Oo. Hinihingal lang" tsaka ako ngumiti ulit.
Bakit ba kasi ang taas ng hagdan eh pinapahirapan ako.
"Sigurado ka ha? tara pasok na tayo. Akin na 'yang bag mo ako na magdadala sa upuan mo." sabi niya sabay kuha ng bag ko na nakasabit sa likod ko.
"Sige salamat. Pahangin lang ako dito hiningal ako eh." sabay ngiti sa aking kaklase. Oo palangiti ako ewan ko ba kung bakit. Maya-maya rin ay pumasok na ako sa aming silid aralan.
Habang nagle-lettering ako dahil breaktime namin. Syempre, katabi ko si Stacie na siya naman gumagawa ng takdang aralin namin para bukas kasi ayaw na niya gumawa sa bahay.
"Hoy! ano 'to ha?" sabay tabig sa ballpen na gamit kong pang-sulat ng kaklase namin na bully.
"Tantanan mo ako Aron" mahinahon kong sabi na seryoso padin sa ginagawa ko.
"Eh kung ayoko? may magagawa ka?" pagyayabang niya sa mga kaibigan niya.
"Pag sinabi ko tigilan mo ko, tigilan mo nalang ako" mahinahon ko parin tugon pero may tunog ng pagtitimpi na 'di pa rin siya nililingon.
"Eh, ayoko nga eh! akin na nga yan!" sabay kuha sa ballpen ko at papel ko at nilukot ito.
Aba'y bastos ito ah! nilingon ko siya paitaas habang nakayukom ang mga kamao ko na parang manlalamon dahil nakatayo siya.
"Oh, bakit? lalaban ka? o iiyak ka na?" sabi niya ng pang-aasar.
"Iiyak na yan! iiyak na yan!" paulit-ulit na sabi ng mga tropa niya nang pakanta.
BINABASA MO ANG
I'm Brave & I know It! (On-Going)
Non-FictionIkaw ba ay madaming iniisip? pino-problema? dinadaing? naiinis ka na ba sa mga tanong mong bakit ganito, bakit ganyan? palagay mo ba, pinagtakluban ka ng langit at lupa? yung gusto mo na biglang mawala ng parang bula? Lahat naman ata tayo may proble...