#Please Vote and Follow me on my Account💋
Aabutin ko na sana yung pagkain kaso ay mabilis pa sa alas-kwatro kumilos si Khai at namalayan ko nalang na linalagyan na niya ng pagkain ang aking plato.
"Ehem"
Napatingin naman ako ni Adam na nag-ehem. Pinandidilatan ko siya.
"So, mukhang nagkakamabutihan kayo" sabi ni mama. Urghh! She's pointing on something.
"Ma" nanunuway tono kong sabi.
"What?" Pa-inisente niyang tanong. I imaginarily face-palmed myself.
"Khaiyon hijo, sa susunod na araw na pala ang pasukan. Trisha, samahan mo siyang mamili ng school supplies at e-tour mo siya sa paligid" sabi ni mama.
Tumango na ako at itinuon nalang ang pansin sa pagkain. Pagkatapos kumain ay nagbihis na ako kasi ipapasyal ko pa si Khaiyon at sasamahang bumili ng mga school supplies. Tch! Parang bata. Ang tanda-tanda na pero kailangan pang samahan mamili ng mga kagamitan.
Sinulyapan ko si Khai na mukhang irritadong-aburadong lalaking naglalakad.
"Hoy! Ano bang problema mo!" Inis kong tanong.
"Tss!" Inis na sabi niya at inirapan ako.
Wow ha! Siya pa itong may lakas na loob na magalit eh hindi ko naman alam kung anong kinaka-galit niya. Ano na namang espirito ng ka-weirduhan ang sumapi sa kanya. Lakas maka-drama! Anong akala niya? Susuyuin ko siya na parang bata? No way!
Hindi nalang ako umimik at hinayaan siyang mag-mukmuk. Akala niya ha. Bahala siya sa buhay niya!!
"I hate what you're wearing" mahina niyang sabi
"H-huh!?"
"Bakit ba kasi ang ikli ng mga sinuot mo? Fuck" halos sabunutan na niya ang kanyang buhok sa sobrang inis.
Kumunut ang noo ko. "Ano naman ngayon?"
"Can't you see!?" Irritado niyang tanong at tinuro ang paligid. "Men are drooling over you"
Napakurap naman ako at paulit-ulit na ibinukas-sara ang aking mga mata. Is this even real!?
Nararamdaman kong namumula na ang mga pisnge ko. Bakit nakaka-kilig. Pero, alam ko naman sa sarili ko na hindi ako maganda. Guni-guni lang ata niya yun. Haayst... Kumain ata siya ng sanda-makmak na creamstick kasi... IMAGINATION MO ANG LIMIT!
Umiling nalang ako at hinila siya sa parte ng mall na may maraming pagkain.
"I'm full" walang gana niyang sabi at inirapan na naman ako.
Sinamaan ko siya ng tingin. Medyo marami-rami rin ang binili kong pagkain. *sigh*
"Ano bang problema mo? Umayos ka nga nakakahiya" reklamo ko. Medyo nakaka-kuha na rin kasi kami ng atensyon sa paligid
"Sinabi ko na. I won't repeat what I said"
"Fine, uuwi nalang tayo. Magpapabili nalang tayo kay Mang Berto ng mga school supplies mo" para namang nagliwanag ang mukha niya. He is smiling widely. Ang bipolar talaga.
Mabilis siyang tumayo at hinala ako. "H-hoy! Teka lang" reklamo ko. Pinagtitinginan na rin kasi kami ng mga tao.
Tumigil siya at humarap sa akin. "We must hurry para maka-pagpalit ka na ng damit" he firmly said.
"Fine" pagsuko ko. He smile at what I said.
Pagdating sa bahay, ngiting-ngiti siyang naglalakad. Hindi katulad ng mukha niya kanina na mukha na siyang papatay ng tao.
Kinagabihan ay ipinadala na ni Mang Berto ang mga school supplies na gagamitin niya. Iniisip ko palang na para na akong babysitter na nagbabantay ng gurang! Ang sakit sa apog ha!
Dahil first day of school na, sabay kaming naglalakad papunta sa St. Michael's Academy. Mga nasa kalahating kilometro lang ang layo nito sa paaralan. At ayaw ko ring gumastos ng singko pesos kasi kuripot ako. Paki niyo ba!?
Kasama ko si Khai na naglalakad. Kanina pa siya
panay ang mura at reklamo na hindi nakatakas sa pandinig ko. Hindi ko nalang pinansin si Khai. Bakit ba ang reklamador ng taong 'to!?Pagdating namin sa classroom, binati na ako ng mga kaibigan ko
"Bess!" Sigaw ni Patricia at nag-wave. Tinuro niya ang upuan sa kanyang tabi. I bet she reserve that for me.
Agad ko naman siyang linapitan at umupo sa tabi niya. May itinuro si Pat gamit ang labi niya sa may likuran ko. Lahat ng tao ay napatingin kay Khaiyon. Sino ba naman kasing hindi mapatingin sa kanya. Ang gwapong-gwapo, mukhang mayaman at ang intimidating ng aura.
Pat gestured me to come close to me using her hand. She then whisper, "Sino yang fafa na kasama mo? In fairness mukhang yummy" kinikilig niyang sabi. -_-
Liningunan ko naman si Khai na seryoso ang mukha na naka-upo sa upuan sa gilid ko. Mukha pa rin siyang irritado
Siniko ko siya and he just glared at me. Aba't! "Stop sulking" inis kong sabi
"Tch! Ang kuripot mo. Singko pesos na nga lang gagastusin mo ay ipipitaka mo pa. I could just drive to school" sabi niya
Nanliit ang mga kyot kong mata. "Sayang ang gasulina at perang ipapa-gasulina. Mag tipid ka" he just 'tsk' at inirapan ulit ako.
Yung totoo? Sino sa amin ang lalaki?
Nagulat nalang ako nang may biglang umakbay sa akin. And there's only one person who keeps doing that.
"Ano ba Rieve! Ang bigat ng kamay mo" inis kong sabi at kinuha ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.
Inalis niya naman ang kamay niya at napansin si Khai. "I'm Rieve Sudalga" pa-cool niyang pakilala.
"Khaiyon Sapphiro Schaios" pakilala ni Khai.
Kilala si Rieve sa buong paaralan. Magaling siya sa maraming sports kaso medyo laos naman sa academics. Pfft! He's also the son of the town mayor and the grandson of the governor kaya kilala siyang tao.
BINABASA MO ANG
You and Me (Entangled Hearts Series 1)
Teen FictionOn the last day of summer, Trishanella Salvador Garcia meet the young, arrogant and rich heir of a billionaire named Khaiyon Sapphiro Mondragon Schaios. She used to hate him since he doesn't even appreciate the little things and he acts like a brat...