Cravings

1.5K 36 9
                                    

#Please Vote and Follow me on my Account💋

Cravings

"Ayaw ko niyan!" Galit kong sabi

Napahilamos siya ng kanyang mukha na tila nagtitimpi ng galit.

"Ano bang gusto mo?" Tanong niya as he tried to stay calm

"Ewan! Pero may gusto akong kainin!" Reklamo ko

"Fine. Maghahanap nalang ako ng ibang pagkain." Sabi niya sabay labas ng bahay

Khai's POV

Naiirita na ako dahil kanina pa ako bumibili ng kung ano-anong pagkain pero inaayawan niya.

Nakakapagod kayang paulit-ulit na pumunta sa mall para bumili ng mga pagkain.

May nakita akong gatas sa may corner na shelf. Yung gatas pa naman ang hindi ko pa napa-inom sa kanya.

Ano pa kaya ang magugustuhan nun. Hindi siya pwede ng fast foods dahil baka mapano si baby. Bibilhin ko nalang lahat ng prutas na andito. Hay!

Mga limang oras rin akong bumili ng pagkain kaya dumating ako sa bahay na pagod.

"Fuck!" I muttered as I saw her cooking something pero makikita mo ang usok sa ibabaw na halatang nasusunog.

I immediately put in place everything I bought and hurriedly run to her. Inilayo ko siya sa pan

"What were you thinking!?" Galit kong tanong

I was taken aback when she started crying. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Since her pregnancy, she started being emotional.

"I'm sorry Love. Natakot lang naman ako kung ano ang mangyari sa'yo" sabi ko and hug her tight

She hug me back but still crying. "Sorry din. Gusto ko lang naman na lutuan kita dahil alam kong napagod kita sa pagiging food choosy ko" she sobbed

A smile crept on my face. Habang tumatagal ay lalo akong nahuhulog sa kanya and I guess falling out of love for her will never happen.

"I'm happy that you tried to cook for me pero hindi ka naman marunong magluto love. Ayaw kitang mapagod dahil baka mapano pa kayo ni baby" sabi ko

Hinigpitan niya ang pagkayakap sakin. "Kainis ka! Bakit ba kasi ang sweet sweet mo" umiiyak niyang sabi. Natawa nalang ako

Trisha's POV

Kinaumagahan ay nagising ako na wala si Khai sa aking tabi. Mabuti nga at hindi ako nagduduwal ngayon. It's been 3 months since my pregnancy kaya medyo lumalaki na rin ang belly ko.

"Khai?" Tanong ko

Lumabas si Khai galing sa banyo na nakatapis lang ang pang-ibabang parte ng katawan. Namula naman ang mukha ko

"Like what you see?" He tease while wearing a smirk

Tinapunan ko siya ng unan. "Ang feeling mo" sabi ko pero namumula pa rin ang aking mga pisnge. Humalakhak siya

Kainis.

"Khai, pupunta ka ba sa office mo ngayon?" Tanong ko

Umo-o siya kaya nagpaalam akong sumama. Buti naman at pinayagan niya ako.

Nagbihis ako ng damit. I wore a white loose sweater and paired it with blue jeans.

Nalukot nalang ang mukha ko ng hindi ko na masarado ang zipper ng jeans. I started looking at the mirror and became body conscious.

Ang taba ko na. Hindi ko alam pero naiiyak ako kapag iniisip kong magiging XL na ang size ko. I started crying

A pair of muscular hands were wrap around my waist. "Hey, what's wrong?" Khai ask sweetly

I turn around. "Tumataba na ako Khai. Hindi ko na makasya ang jeans ko" umiiyak kong sabi

He chuckled "It's normal love. Syempre lalaki yan dahil lumalaki na siya" sabi niya at hinimas ang aking tiyan

He bended and kiss my stomach while hugging it. "Hey there my little angel. Ang arte ng mommy mo dahil tumataba na daw siya. Don't worry, ako ang bahala sa kanya basta't magpakalaki ka nalang diyan" natatawa niyang sabi kaya mahina ko siyang sinapak

"Sira!" Natatawa kong sabi

Tumayo siya ng tuwid and kiss me "I love you and our little angel" he said

My heart melted and in awe upon hearing him say that. Ang sarap kasi pakinggan. "I love you too and our little angel" sabi ko

Pagdating namin sa office niya. Pinagti-tinginan kami ng mga tao dun. First time ko kasing makapunta sa office ni Khai.

Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa loob. His arms are wrapped possessively around my arms protecting our baby

"Good Morning po Sir" bati nung isang babae. Hindi ko gusto ang tono ng kanyang pananalita. Hindi ko nalang pinansin dahil tinatamad akong makipag-away.

We took his private elevator and went upstairs. Agad kaming sinalubong ng kanyang secretary.

"Sir Good Morning" bati ni James

"Asan na ang mga papel na kailangang permahan?" Agad na tanong ni Khai. Bastos talaga.

"Nasa mesa niyo na po sir handa na lahat." James replied "Good Morning po Maam" bati niya naman sakin

Tumikhim si Khai. Napatingin kaming dalawa sa kanya. Madilim ang mukha nito.

"A-alis na po ako. Ihahanda ko po ang ibang schedule ng meetings at appointments" natataranta nitong sabi at mabilis na umalis

Umupo ako sa sofa ng kanyang office. "Pati secretary mo pinagseselosan mo? Really Khai?" Reklamo ko

He chuckled "He's still a guy kahit na secretary ko siya"

You and Me (Entangled Hearts Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon