#Please Vote and Follow me on my Account💋
Nagtaka ako ngayong araw dahil hindi ako kinukulit ni Khai. Nandito lang ako sa bahay inaaliw ang sarili. Pinag-aralan ko rin ang graduation song namin tsaka mga presentation. Kapagod.
My phone rang at dali-dali ko itong kinuha, hoping it is Khai.
"Hello" sagot ko sa tawag
"Hey Love. Miss me?" He tease. Natawa nalang ako. Damn!
"Ang kapal ha" natatawa kong sabi
"Sa'yo lang naman" asar niya.
"Oh? Ba't ka napatawag?" Tanong ko
"Ouch Love! Nasaktan ako dun. Hindi ba pwedeng miss na miss na kita at gusto ko nang marinig ang boses mo" paglalambing niya. I blush
"Sino ba naman kasi ang may kasalanan" sabi ko
He laugh on the other line. "Love... Pwede bang lumabas ka muna sa bahay niyo" sabi niya.
Kumunut ang noo ko. Paano niya nalamang nasa bahay ako? Hindi ko na natanong yun dahil binabaan na niya ako. Leshe! Ang bastos talaga kausap. Wala akong nagawa kundi lumabas ng bahay
Madilim pa sa labas at maginaw rin dahil sa simoy ng hangin. Papatayin niya ata ako sa lamig. Nagulat nalang ako ng may biglang pumutok and when I look up, it's a fireworks na may nakasulat na: WILL YOU BE MY GIRLFRIEND LOVE?
I gasp.
"Hey" dinig ko kaya napalingon ako. It's Khai, holding a bouquet of...food?
"Pwede ba Love?" He ask
"Pag-iisipan ko pa" I tease
Hinagit niya ako payakap. "Sasagutin mo o sasagutin mo" he whispered sexily
Mahina ko siyang sinapak at natawa. "Anong klaseng choices yan" reklamo ko
He just made a face. Parang bata. Haha!
"Pa'no kung ayoko" asar ko
"Mom! Ayaw akong sagutin ni Trish" pagsusumbong niya
Nanlaki naman ang mga mata ko ng mapansin na andito si Mama at ang Mommy ni Khai
Lumapit ang Mommy ni Khai "Sagutin mo na Dear. Baka magwala pa yan" she tease and chuckled
"Oo nga anak. Pakipot ka pa eh mahal mo naman. Naalala ko pa nga nung walang kupas kang umiyak nung nag-break kayo" sabat naman ni mama
Napasinghap ako. "Ma" pigil ko. Tinawanan lang nila ako.
"So ano na?" Tanong ni Khai na naka-ngisi.
"Oo" mahina kong sabi
"Ano?" Asar niya
"Sabi ko 'oo'" ulit ko sa mas malakas na boses
"Hindi ko marinig. Lakasan mo pa Love" asar niya
"Oo nga sabi-"
He cut me off by kissing me. Nasihiyawan ang mga tao sa paligid. "Now that's what I want to hear" sabi niya sabay kindat. Natawa nalang ako at mahina siyang sinapak
Naalala ko tuloy ang dala niya. "Bakit pagkain yang dala mo? Hindi ba dapat ay bulaklak?" Takhang tanong ko
"Matakaw ka kasi" he tease
Napa-rollyo nalang ako ng mata. Tumawa siya at mahigpit akong niyakap.
"I love you" sabi niya and kiss my forehead.
I smile "I love you too" sabi ko
"So iniyakan mo pala ako" he tease and wiggled his eyebrow
"Please don't remind me that" sabi ko
Sobrang saya! Sana ay ganito kami palagai. Sana ay magtagal tayo Khai at ma-overcome natin pareho ang mga challenges na dumating sa ating buhay.
Because...
I can't imagine living without you
BINABASA MO ANG
You and Me (Entangled Hearts Series 1)
Teen FictionOn the last day of summer, Trishanella Salvador Garcia meet the young, arrogant and rich heir of a billionaire named Khaiyon Sapphiro Mondragon Schaios. She used to hate him since he doesn't even appreciate the little things and he acts like a brat...