#Please Vote and Follow me on my Account💋
5 years later
Maraming nangyari sa loob ng limang taon. May point nga na umabot kami sa malalang cool off's dahil masyado daw akong selosa at nagagalit naman ako sa kanya dahil napaka-insensitive niya. Hindi niya ma-sense na may gusto sa kanya ang babae at nakaka-inis talaga. Ang sarap niyang lunurin.
Naka-upo ako ngayon sa hammock sa garden namin dito sa bahay. Pagod kasi ako sa trabaho. Nasa America kasi ngayon si Khai, dealing with some investors. Since he is the only child, expected na na siya ang magmamana ng kanilang mga negosyo. And I can see him working so hard. Naaawa nga rin ako minsan dahil uuwi siyang pagod at minsan ay hindi na siya makakapag-bihis ng pantulog.
Sa loob ng limang taon, napag-pasiyahan naming bumili ng aming condo. Pero dito muna ako nagpahinga sa amin. Sariwa kasi ang hangin. Tsaka, na-miss ko rin ang mga magulang ko.
"Anak, hindi ka pa ba papasok?" Tanong ni papa
"Mamaya na po pa" sabi ko at nginitian si papa
Naging legal kami sa both sides at gusto rin ng papa ko si Khai. Buti nga at hindi kami nagkaroon ng mala-trahedya or emosyonal na love story.
Pero experiences makes the relationship stronger.
Mahina nalang akong natawa at napa-iling ng maalala ko yung time na may nag-trespassing sa gate nilang Khai at sinabeng buntis siya at si Khai ang ama.
Nahimatay pa nga dun si Mommy (mommy na ang tawag ko sa mommy ni Khai)
Galit na galit ang Daddy niya. Pero kala-unan ay nalaman namin na hindi pala si Khai ang ama. Muntik pa ngang ipakulong ng Daddy ni Khai ang babae sa sobrang galit nito.
Damn memories!
Habang naalala ko lahat ng memories namin noon ay pakiramdam ko ay ang tanda-tanda ko na.
Nasa gitna ako ng pagmumuni when two hands were wrap around my waist.
"Hey" malambing na sabi ni Khai and kiss my hair
"Hey" sabi ko pabalik.
Umupo siya sa tabi ko and patted his laps. Umupo ako doon and lean on his shoulders. Bale, nakahiga siya sa hammock at nakahiga rin ako habang nakasandal sa kanya. My head rested on his shoulders as we came face to face.
"Akala ko ay bukas pa ang uwi mo" sabi ko
"I miss my girlfriend" ngiting sabi niya. I smile. Even after 5 years ay hindi pa rin nawala ang ka-sweetan niya. And I'm thankful for it
He kiss my forehead. "I miss you" sambit niya
"Na-miss rin kita Mr. Stanfield" natatawa kong sabi
He cupped my face. "That's good to hear Mrs. Stanfield" ngisi niya
"Wow ha! Overconfident?" I tease
He chuckled sexily. "Yeah. Ako lang naman kasi ang mahal mo" proud niyang sabi kaya mahina ko siyang sinapak.
"Love" seryoso niyang sabi at tumayo tapos lumuhod. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin.
Is he proposing? Gosh! I imaginarily fanned myself
"Nahulog ang phone mo" sambit niya at ibinigay ang nahulog kong phone. Shit
Sinapak ko siya "Bwesit ka! Akala ko magpo-propose ka. Leche!" Inis kong sigaw at sinapak siya. Tawa lang siya ng tawa. Kainis talaga. Urgh!
"Kidding aside.." sabi niya at may hinugot sa kanyang bulsa mula sa kanyang tuxedo. "Please say yes, Marry me Love" he said with hopeful eyes. Seryoso na ang kanyang mukha at tono ng kanyang boses
"Please say yes Love. Mamamatay ako kapag-"
"Yes!" I exclaimed as I cut him off
Nanubig ang kanyang mga mata. "Shit! God, I love you so damn much" he said happily and hug me.
He gave me multiple kisses. Natawa nalang ako.
THE END
BINABASA MO ANG
You and Me (Entangled Hearts Series 1)
Novela JuvenilOn the last day of summer, Trishanella Salvador Garcia meet the young, arrogant and rich heir of a billionaire named Khaiyon Sapphiro Mondragon Schaios. She used to hate him since he doesn't even appreciate the little things and he acts like a brat...