#Please Vote and Follow me on my Account💋
Hindi ako mapakali dito sa infirmary. Dito kasi ginamot ang sabog na mukha ni Zed. Nakaka-stress si Khai! Ano naman kasing kinaka-galit niya!? Pikon talaga siya! Pikon na gwapo! Urghhh!!
Tinulungan ko si Nurse Fay sa pagga-gamot ni Zed. Zed said 'thank you' at me and smiled. Ang bait talaga ng tsinoy na'to. I smile back.
"Buti nga sa kanya" irritadong sabi ni Khai
"Ano bang problema mo ha!?" Galit kong tanong. Gusto ko siyang bugbugin sa sobrang pagka-irita ko pero syempre, joke lang yun kasi mas malaki pa siya sa akin.
He pouted habang nag-puppy eyes at nag-iwas ng tingin.
Mukhang nagtatampo ang loko! May oras pa siyang magtampo. Amputs! Hinila niya ako palabas sa infirmary. He was staring at me intently making my knees weak. *gulp* kaya ayaw na ayaw ko talagang makipag-titigan sa kanya eh.
"Bakit ba ganyan ka kung makatingin?" Tanong niya
"Ha?" Tanong ko pabalik. Hindi ko kasi ma-gets kung ano ang pinapa-hiwatig niya.
"Yon" sabi niya sabay turo sa infirmary gamit ang labi niya.
"Ano nga?" Naiirita kong tanong.
"Yung pakikipaglandian mo sa lalaki mo?" Sabi niya
"Wow, lalaki talaga? Hindi pwedeng kaibigan lang?" Sabi ko.
"Tsk!" Sabi niya at nag-iwas na naman ng tingin. He look pissed.
"Tsk? Anong kinakagalit mo diyan?"
"Wala" sabi niya sabay walk-out.
Charot! Nag walk-out effect pa. Sinundan ko naman siya. Grabe! Ang bilis niyang maglakad.
"Dahan-dahan nga lang sa paglalakad!" Reklamo ko. Medyo hinihingal na rin kasi ako.
"Bakit mo naman kasi ako sinusundan" reklamo niya pabalik.
"Nagseselos ka ba?" I ask. Napatigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. *gulp*
"Ako?" Tanong niya.
"Sino pa bang kausap ko? Diba ikaw lang naman? Alangan namang multo ang tanungin ko diba?" I said sarcastically.
"Hindi" he said flatly. "Hindi noh!" He said in another tone. "Hindi ako nagseselos"
My heart sank. So I was just assuming. Kapal mo talaga heart! Umasa ka pa eh. Diba sabi nga niya 'I like you' kainis naman kasi yang 'i like you' na yan dahil yun lang ang tanging pinag-hahawakan ko.
"Sige, aalis na ako. Pupuntahan ko pa si Zed" malungkot kong sabi at tumalikod na.
I hold my breath trying to prevent my tears. Kailangan ko talagang kompermahin kung totoo ba talaga ang nararamdaman ni Khai para sa akin dahil baka dumating ang panahon na masasaktan lang ako. 'I like you' lang naman ang sinabi niya at hindi yung pinaka-hinihintay kong three magic words.
"Paano kung sasabihin kong nagseselos nga ako?" Sabi niya.
Bigla akong napahinto sa paglalakad. I close my eyes. "I highly doubt that" I said.
BINABASA MO ANG
You and Me (Entangled Hearts Series 1)
Novela JuvenilOn the last day of summer, Trishanella Salvador Garcia meet the young, arrogant and rich heir of a billionaire named Khaiyon Sapphiro Mondragon Schaios. She used to hate him since he doesn't even appreciate the little things and he acts like a brat...