Chapter 11

1.6K 34 0
                                    

#Please Vote and Follow me on my Account💋

Akala ko ay hanggang bukas lang ang ka-sweetan ni Khai pero hindi pala. Feeling ko tuloy ay lalanggamin na ako sa sobrang cheesy niya.

Kanina lang ay bumungad sa akin ang bouquet ng red roses gaya nung sa beauty and the beast. Sa pagkaka-alam ko ay napaka-mahal ng bulaklak na ito dahil matagal itong mag-wither. Hinatid niya rin ako papunta sa school kahit na pinilit ko siyang maglalakad lang kami. Inalalayan pa nga ako! I bit my lip. Kapag magtagal 'to ay panigurado akong mahuhulog na talaga ang panty ko-este puso ko. Kayo naman!

I'm afraid to be drowned by his love and sink being not able to breath. - Trisha

Echos! Naka-gawa ng quote ang lola niyo! Intindihin niyo nalang ang quote na yan kasi magulo!

Naglalakad ako sa hallway na may malapad na ngiti na nakapinta sa aking mukha. Sino ba kasing tao sa balat ng lupa na hindi kikiligin.

But my wide smile is replaced with a poker face when I see Sadie and her so called 'alipores' block the way. Mga epal talaga. Ang sarap sabunutan ng buhok.

Taas-noo akong naglalakad and acted like they're invisible in my eyes. Paki ko ba sa kanila? Tss!

"Hindi porket sweet sa'yo si Khai ay mahal ka niya. Yung iba kasi diyan assuming" pagpaparinig ni Sadie na hindi nakatakas sa pandinig ko. Gusto ko ngang matawa sa sinasabi niya kasi she's like talking to mirrors.

Napataas ang kilay ko at lumabas ang aking maldita radar. "Excuse me? Are you referring to yourself?"

Natahimik naman siya. Buti nga sa kanya. "I guess we're done talking" sabi ko at ma-dramang tumalikod.

Nagulat nalang ako ng biglang may humila sa buhok ko at humawak sa aking magkabilang kamay. Syet! Pinagtutulungan nila ako.

Hindi naman ako nagpa-api kasi war freak rin ako 'pag kina-kailangan. Duuuh! Hindi ako papayag na basta-basta lang nilang aapakan ang pagka-tao ko noh!

"Malandi ka!"

"Stop flirting b*tch!"

"Get away from Khai"

Pagda-drama nila. Ang arte. Hindi naman ako nagpatalo at hinila ang buhok ng isa sa kanila dahilan para mapa-'aray' ito. Buti nga sa kanya.

Sumasakit na rin ang anit ko sa sobrang pagkaka-hila pero pinilit kong pigilan ang aking mga luha. Haba ng pride ko!

Yung isa namang kasama ni Sadie ay nahila na pababa ang tube na soot. Karma yan besssss!!

Kahit na gusto kong matawa sa sitwasyong kinalalagyan ng babae ay mas itinuon ko nalang ang aking pansin kung paano makalaban pabalik. Umagang-umaga pero ang sama ng timpla! Kasira ng mood!

"In my Office, now!"

Para naman kaming nabuhusan ng malamig na tubig. It's the principal's voice. Maldita pa naman ang principal namin.

Mabilis kaming napatigil at sumunod sa principal's office. Syet! Okay lang sana kung sa Disciplinary pero nandito ako ngayon sa harap mismo ng Principal. Kainis naman!

I took a glance at Sadie and she was just staring at me like she could kill me right now. Sarap talagang ipa-kain sa buwaya.

"Girls, ano ba ang dahilan ng pag-aaway niyo?" Mataray na tanong ng Principal.

Hindi kami sumagot. Wala rin naman kasi kaming balak sumagot kaya napayuko lang kami.

"Answer me!" Sigaw ng Principal habang padabog na hinampas ang mesa at tumayo.

I gulped. Syet! Ipagdasal niyo nalang ang kaluluwa ko. T_T

Para akong naninigas sa sobrang takot na aking nararamdaman kasi para niya akong kakainin ng buhay. Pinagsabihan niya kami and she gave us a warning na dapat ay hindi na daw ito ma-uulit. But as punishment ay dapat kaming makakuha ng malaking marka sa klase kasi kung hindi ay ipapabalik niya kami ng year level.

Paglabas ko sa office ay nanduon ang mga kaibigan ko pati na rin si Khai na hindi mapakali at paikot-ikot sa hallway.

"U-uhmmm..." sabi ko. Sabay naman silang napalingon.

"Hoy babae! Bakit ka ba napunta sa office ni Ma'am 'kakainin-kita-ng-buhay'?"

"Plano mo atang magpa-kamatay"

"Ayos ka talaga Trish! Bilib na ako sa'yo"

Sunod-sunod na komento nila. Para na ngang sasabog ang eardrums ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng bigla akong hilahin ni Khai at yinakap. "I'm glad you're fine" sabi niya. Waaaaaah! T-teka lang, yung puso ko nahulog ata. Kyaaaah! Haba ng hair ko.

"Ehem"

Sabay na sabi ng mga kaibigan ko kaya mabilis naman kaming bumitaw sa yakap. Tch! Kainis!

They gave us a knowing look pero pinandilatan ko lang sila.

"I'm courting her" pagbasag ni Khai sa katahimikan. Para namang lumuwa ang mga mata namin. That's right! Pati na rin ako. Malay ko ba kung nanliligaw siya. Wala naman siyang sinasabi.

"Tara na" sabi ni Khai kaya napatingala ako sa kanya.

"H-huh?" Yan lang ang lumabas sa bibig ko sa sobrang gulat. Sino ba naman kasing hindi magugulat eh kung ang crush mo mismo ang mangliligaw sa'yo.

I mouthed 'help' at my friends pero alam niyo kung anong sinagot nila? 'Good Luck'

He chuckled. "Sa room tayo pupunta. Bakit? Saan pa ba tayo pupunta?" He teased and wiggled his brows.

Mahina ko siyang sinapak sa balikat. "Sira!" Natatawang sabi ko.

Naging famous si Khai sa whole campus dahil na rin siguro sa Basketball skills niya at syempre, hindi pwede mawala ang pogi points. Kaya naman ay ang haba ng hair ng lola niyo kasi sabay kaming Khai papunta sa classroom na magka-holding hands pa! Taray! Marami namang estudyante ang napapa-tingin sa amin kaya ang kapal ng face ko.

Dumako naman ang aking tingin sa magkahawak naming kamay. Syet! Kinikilig ako ang lambot ng kamay ni Khai. Imaginary kong pinapay-payan ang aking sarili. Para na akong sasabog sa sobrang kilig. Feel ko tuloy ay pulang-pula na ang aking pisnge.

Pagdating namin sa room na magka-holding hands pa rin kami. Enebeyen! Lahat ng mata ay napunta sa amin. Bigla tuloy akong nailang.

"Tara" sabi ni Khai. Tumango na ako at umupo sa tabi niya.

Laking gulat ko nalang nang bigla akong inakbayan ni Zed.

"Hey Tri-"

Hindi na natuloy ang sinabi niya ng suntukin siya ni Khai. Omaygulay!

You and Me (Entangled Hearts Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon