UNO✞

2.5M 49.1K 91.9K
                                    


I

You'll Love Her Too: A Documentary

BALITA SA RADYO: Pasado alas-diyes ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng isang dalagita sa isang tapsihan. Ang buong akala ng mga napapadaan sa naturang lugar ay nakatulog lamang ito dala ng kalasingan. Pero nang lapitan ito ng isa sa mga waiter ng nasabing kainan, doon napag-alamang wala na itong buhay.

February 10, 2002, Wednesday, 6:00 AM


Ara's P.O.V.


It's Monday at tinanghali ako ng gising. Pagmulat ko ng aking mga mata, doon ko lang napagtanto na naka-unifom pa pala ako nang makatulog ako kagabi. Hindi ko masyadong maalala ang mga nangyari. Bumalikwas ako ng bangon at mabilis na hinanap ang aking red doll shoes na iniregalo sa akin ni Nana, ang aking ina.


Hay naku! Ayoko nang ma-late today dahil baka masermunan na naman ako ng thick-lipped na nanay ng bestfriend ko na siya ring teacher namin, si Mrs. Ocampo.


Anyway, focus muna ako sa paghahanap ng red shoes ko. Oh! I forget to mention, last Saturday was my birthday. No! I mean, last Friday pala. Therefore, it's been three days since I received that red shoes from Nana as a gift. Well, lagi namang red ang mga gifts na nare-recieve ko mula sa kanya.


Haist! Hindi ko pa rin ito makita so I quit. Next time ko na lang hahanapin dahil baka ma-late pa ako knowing that I don't even have any idea what time is it already. Maybe ibang sapatos na lang muna ang isusuot ko.


Nagmadali akong lumabas ng aking kwarto at bumaba ngunit pinilit kong maging marahan. Plano kong dumiretso na sa school since naka-uniform naman na ako. Wala naman akong naaamoy na kakaiba sa sarili ko at malinis pa rin naman ang suot ko, so okay lang na dumiretso na nang hindi naliligo at nagpapalit ng damit. Hindi naman halatang hindi ako naligo at ipinantulog ko pa ang suot kong uniform.


I packed my things and checked my wallet and I'm ready to go. Subalit bago pa man ako tuluyang makarating sa may pintuan ay bumungad na agad sa akin ang isangstamp note sa aming refrigerator. 'ARA, you're grounded!'


Nang mabasa ko ang nakasulat sa note, wala na akong nagawa kundi ang mapapikit na lamang habang patuloy pa rin sa marahang paglalakad. I forget to mention, again, three days nga pala akong hindi umuwi since I left last Friday, which happened to be my birthday. Pero kasama ko naman si Roli—I mean Uncle Roli, my Nana's younger step-brother, kaya hindi ako masyadong nag-aalala. Napangisi ako nang maalala ko iyon.


Ano kayang ginagawa ng lalaking iyon ngayon? Baka tulala na naman. Ganoon kasi si Roli, mahilig tumulala. Madalas kasing tahimik at tila may malalim na iniisip. Ganoong klase siya ng tao. Malalim pero macucurious kang abutin.


Ilang sandali bago pa man ako tuluyang makalabas ay nahagip na ng paningin ko si Nana habang tahimik na naghuhugas ng mga plato. Seryoso ang kanyang mukha at walang kakurap-kurap ang maganda niyang mga mata. Tumikhim ako upang ipahiwatid sa kanya ang aking presensya habang unti-unting inaalis ang bag na nakasukbit sa aking balikat. Pansamantala naman siyang huminto sa kanyang ginagawa at bahagyang yumukod. Humakbang ako nang kaunti upang lumapit sa kanyang kinatatayuan. Kahit nakatalikod siya sa akin ay ramdam ko ang galit niya.

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon