BENTE✞

609K 18.5K 17.5K
                                        

I'm not sure what happened, but the comments had been deleted. Let's just make new memories. -JF


BENTE ✞

Third POV


YEAR 1980


"Ara, bakit mo ako pinatawag?" tanong ni Clarisse sa kanyang kakambal na si Ara.



Tumingin si Ara sa kanya habang ito ay nakaupo. "Clarisse, umupo ka sa tabi ko at magpakuha tayo ng litrato." Nakangiti ito sa kanya. Napakaamo ng mukha nito at napakaganda.


Kambal niya ito pero hindi sila magkamukha. Sila iyong fraternal twin o yung tinatawag na non-identical twin. May nagsasabi na maganda siya, pero mas marami ang nagagandahan kay Ara dahil kahit payat ay mukha itong anghel.


Umupo naman siya sa tabi nito. Sa harapan nila, naroon si Mang Gustin na tagakuha ng litrato. "Oh mga hija, ngiti sa kamera, ah..." Nakatutok ito sa luma nitong camera.


Pinilit naman niyang ngumiti habang nakatanaw kay Inang, isa sa mga katulong nila— na itinuturing na rin niyang isang ina. Namatay kasi ang kanilang tunay na ina noong ipinanganak sila ni Ara. 


Sa likuran ni Mang Gustin, naroon ang kanilang ama na si Emilio. Masaya nitong pinagmamasdan si Ara.


"Ibang pwesto naman," utos muli ni Mang Gustin. "Tumayo naman kayo."


Natawa siya nang pagak sa sinabi ng matanda. Nakalimutan yata nito na lumpo ang kakambal niyang si Ara. Mayroon itong Metabolic defect na Tay-sachs disease. Birth defect ito ni Ara na hindi na magagamot ayon sa mga doktor. Milagro nga na hindi siya ang tinamaan ng inborn disability na ito sa kabila ng pagigi nilang magkakambal.


Nasaktan si Ara sa sinabi ni Mang Gustin kaya't sumimangot ang mala-anghel nitong mukha.


Napaangat ng mukha si Mang Gustin. "Ay oo nga pala, hindi ka nga pala nakakalakad ano? Nakalimutan –" Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil bigla na lang tumarak sa ulo nito ang isang –


– palakol!


Biak ang bungo nito at wala na itong buhay ng matumba ito sa pagkakatayo.


Hinugot ng kanilang ama ang palakol na nakabaon sa ulo ni Mang Gustin na parang wala lang. Ito pala ang sumibak sa ulo ng kawawang matanda. Para lang itong namalakol ng kahoy na panggatong.


Parang normal na lang na gawain nito ang pumatay ng tao. "Ayoko sa lahat, nilalait ang anak kong si Ara..."


Si Emilio Villaverde na baliko man mag-isip ay napakayaman dito sa baryo. Gaano man katigas ang puso nito ay natuto itong umibig. Inibig nito ang kanilang ina, na sa kasamaang palay ay nasawi. Gayunpaman, masaya pa rin si Emilio dahil kamukhang-kamukha ng kakambal niyang si Ara ang kanilang yumaong ina. Iyon ang dahilan kaya mas paborito ito ng papa nila kaysa sa kanya. 


Nagbago ang mukha ni Ara na kanina lang ay nakasimangot. Sumungaw ang nakakatakot nitong ngiti sa mga labi. "Salamat, Papa..." Bigla itong bumaling sa kanya. Tiningnan siya nito nang masama. Pagkatapos non ay bumaling uli ito sa ama nilang si Emilio. "Papa, pinagtawanan ako kanina ni Clarisse. Ayaw ko siyang makita! Ipatapon mo uli siya sa kagubatan!"


I Love You, ARA Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon