VIII
✞She not He✞
Sunday, 11:00 P.M.
Ara's P.O.V.
MANHID.Tanging ingay ng bangaw ang aking naririnig.
Matigas.
Malamig.
Masangsang.
Malagkit.
Marahan ko muling iminulat ang aking mga mata. Inilibot ko ang aking paningin.
Sa kisame. Sa dingding. Sa sahig.
Nagkalat ang mga hibla ng buhok. Buhok na galing sa akin. Nagkalat ang dugo! Dugo na nagmula mismo sa akin, ang sarili kong dugo.
May UGONG.
May ugong akong naririnig. Mga BANGAW, ngunit wala naman akong nakikita. Pero alam kong ingay na likha iyon ng naturang insekto.
Humigpit lalo ang pagkakayakap ko sa aking kanang PAA─putol na paa. Niyapos ko ito nang mahigpit, mahigpit na mahigpit, at saka ako umiyak muli.
Ano na ang gagawin ko? Makaligtas man ako sa kamay ni Roli, kailangan ko namang harapin ang katotohanang pilay na ako, pipi pa. Walang kanang paa at walang dila. I am disabled!
Si Nana! Malamang ay nag-aalala na iyon sa akin at hinahanap na ako. Sa buong sandali ng aking pag-iisa, wala akong ibang ginawa kundi ang humagulgol. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Maya-maya'y napahinto ako nang may marinig akong tinig. Bumaling ako sa pinto ng banyo bago muling bumaling sa aking kanang binti.Tinitiis kong pilitang sakit na aking nararamdaman.Dumapa ako at gumapang na animo'y isang sundalong nasa giyera na takot matamaan ng bala.
Habang palapit ako nang palapit sa may pintuan, mas lalo kong naririnig ang tinig ng babae.Pero malabo iyon dahil kulob ang boses nito. Kaya naman buong lakas pa akong gumapang palabas ng pintuan hanggang sa marinig ko na ang usapan.
"Hindi mo pa rin itinatapon?" tanong ng babae. Sino ang babaeng ito? Pamilyar sa akin ang boses na aking naririnig.
"Natutulog lang siya. Bakit ko siya itatapon?" Malamig ang tinig ni Roli at animo'y napakabait niyang tao.
Narinig ko ang banayad na paghakbang ng babae. "Roli, patay na siya." Pamilyar talaga sa akin ang boses na iyon. Hindi ko lang maalala dahil marami itong katulad.
Humikbi si Roli, dinig ko. "Hindi pa siya patay!" Pimipiyok na ang boses niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/18875049-288-k148232.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You, ARA
ParanormalBased on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in horror and paranormal 2015-start of 2016. Artist: Aeious Plata