II
✞Rewind Part1✞
Friday, 6:15 A.M. (Birthday celebration)
Ara's POV
Napabalikwas ako ng bangon. Today is my birthday pero heto at iba ang sumalubong sa akin, sigawan. Sigawan ng parents ko. Akala ng ibang tao sobrang perpekto ng buhay ko, pero wala silang idea kung anong klaseng pagsasama meron sina Daddy at Nana. Honestly, hindi ko alam kung kailan sila nagsimulang maging cold sa isa't isa, at hindi ko rin alam kung kailan sila magiging okay na dalawa.
"Damn it, Clarisse! Hindi ba sinabi ko na sa'yo na wala akong tiwala dyan sa kapatid mo?!"
"Bakit ba ang laki ng galit mo sa kapatid ko?"
"Simply because your younger brother is an ex-convict!"
Pumalatak si Nana.
"I'm a lawyer! Alam kong hindi inosente iyang si Roli."
"Here we go again, Roger!" sigaw rin ni Nana. "Tuwing may pagkakataon na lang, inuungkat mo ang tungkol sa kaso ni Roli noon! Can't you just move on?"
"Kung bakit kasi bigla pa siyang bumalik sa buhay mo! Sana kasi hindi na lang nagpakita sa atin ang step-brother mo na 'yan! Sana hindi mo na lang din ako pinilit na maging attorney niya, e di sana wala tayong pinagtatalunang ganito!"
Ang dahilan kaya nagpakita si Roli sa amin ay dahil kay Daddy. He needed an attorney three years ago. Fifteen ako noon, that was also the first time na makita at makilala ko ang step-brother ni Nana na si Roli. Kaya siya lumuwas at pumunta kay Nana dahil kailangan niya ng tulong ni Daddy, kailangan niya ng attorney dahil napagbintangan siya sa kasalanang hindi niya ginawa. And with my dad's help, naabswelto si Roli sa case niya.
"My brother's case is already closed! He won that case with your freaking help as his lawyer. Napawalang sala na siya. So bakit ibinabalik mo pa, Roger?!"
"Kaya nga, Clarisse! Hindi ko matanggap na napawalang sala siya knowing na ako ang humawak ng kanyang kaso. Pakiramdam ko, hindi ako mapapatawad ng konsensiya ko dahil idinifend ko siya kahit pa una palang ay wala na akong makitang katotohanan sa mga testimonya niya!"
"Ganoon naman pala eh. Bakit mo ipinapanalo ang kaso niya? Ano ba talaga ang gusto mong palabasin?"
"Gusto ko lang naman na... iiwas ang anak natin sa kanya."
"What did you say?"
"You heard me, Clarisse. Gusto ko na ilayo ang anak natin sa kapatid mo. Sana naman pagbigyan mo ako kung ayaw mong nauungkat nang ganito ang kaso ng kapatid mo noon. Please, Clarisse, sana igalang mo ang decision ko. Iyon lang, iyon lang at mapapanatag na ako."
"Iniisip mong sasaktan ng kapatid ko ang anak natin?" Nanginginig na ang boses ni Nana.
BINABASA MO ANG
I Love You, ARA
ParanormalBased on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in horror and paranormal 2015-start of 2016. Artist: Aeious Plata