SINCO ✞

887K 23.6K 24.7K
                                    


V

JANICE?

Saturday, 3:00 A.M.

Mrs. Maria Ocampo's P.O.V.


"Jani─"


Janice was still asleep! Nanginginig man ang tuhod ay pinilit ko pa ring lumapit sa kanya.


Ang unan na ipinatong ko sa kanyang likod, ganoon pa rin ang ayos. Naririnig ko pa rin ang malalim niyang paghinga. Tulog na tulog pa rin siya.


Dali-dali kong isinara ang pinto ng kwarto. I saw the clock, it's already three in the morning. Humiga ako sa tabi nya at mahigpit ko syang niyakap. Ni hindi man lang sya natinag sa malalim nyang pagtulog. 


How could she slam the door shut or even switch off the light kung ganitong tulog na tulog siya?


Baka stressed lang ako. Pero ang ipinagtataka ko, everything's weird today. Si Madge, the way she looked while she was staring at our floor, si Mang Isko, na parang balisa at may nais sabihin sa akin.


Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako mula sa malalim na pag-iisip. Tulad noong nakaraang araw, pasado alas-nuebe ng umaga nang magising ako. Pagkabangon ko ay dumiretso agad ako sa banyo. 


I took a bath and prepared breakfast for us.


Nakita kong marahang lumabas ng kwarto si Janice at dumiretso sya sa mesa at nag-almusal. Tahimik man ay napagpasyahan ko pa rin siyang saluhan.


"Maligo ka na. Magsisimba tayo ngayon, remember?" utos ko sa kanya ngunit hindi ko sya magawang tingnan.


Hindi sya umimik habang marahan pa ring kumakain. Sa puntong iyon ay hindi ko na siya naiwasang tingnan. Walang emosyon ang kanyang mukha habang seryoso pa ring kumakain.Nakita kong tumingin rin siya sa akin subalit umiwas muli ako ng tingin."Sya nga pala, bakit ang daming buhok na nagkalat dito sa sahig? Galing ba dito si Ara?"


Umiling lang sya at nanatiling tahimik. Nakatingin lang sya sa akin.


Tumingin ako sa kanya. "Bumangon ka ba kagabi?"


Umiling muli sya at yumuko. Nagpatuloy siya sa pagkain.


"Siguro nagsleep-walk ka." Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.


Habang patuloy kami sa pagkain ay nanatili lang syang tahimik. Mukhang malalim talaga ang tampo niya sa akin.Pagkatapos kumain ay naligo na sya, dumiretso sa closet at nagbihis.


"Ayusin mo ang bihis mo ha. Sa simbahan tayo pupunta, hindi tayo mama─" Nagulat ako nang pagbungad niya ay nakita kong nakasuot sya ng unipormeng pamasok. Lumapit ako sa kanya. "Janice, Linggo ngayon. Magsisimba tayo, hindi tayo pupunta sa school. Magpalit ka ng damit."


Tumango lang sya at bumalik sa closet. 


I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon