TRESE✞

674K 20K 27.4K
                                    

XIII

The Clock

Roger Santos P.O.V.

Tik! Tak! Tik! Tak!

Katahimikan.

Tanging tunog lang ng orasan ang naririnig ko. Nakakabingiang tunog nito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Bukod dito, napakagulo rin ng isipan ko, hindi ako makapag-isip nang maayos.

I looked at my wrist watch. It's already twelve in the midnight. Narito ako ngayon sa sala ni Ka Pineng. Kasama kong pumunta rito si Isko.

Tik! Tak! Tik! Tak!

Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko.Giniginaw ako ngunit tagaktak ang pawis ko.

Nakakailang tawag na ba ako kay Nana? Apat? Lima? 

Nagpaiwan kasi siya sa hospital at isinama si Mrs. Ocampo pauwi sa amin. Sasaglit daw muna sila sa bahay para asikasuhin iyong mga bisita sa lamay ni Ara. Then, susunod na lang sila rito pagkatapos. Pero bakit ganun? Hindi ko na sila ma-contact? 

Kahit si Madge na naiwan din sa hospital para bantayan si Janice, hindi rin sumasagot.

Dalawa lang tuloy kami ni Isko na nagpaunang pumunta rito. Ang kaso, sa lawak ng bahay na ito, parang walang tao. Kinailangan pang hanapin ni Isko itong si Ka Pineng, na inirekomenda sa akin nina Mrs. Ocampo at Madge, sa mansyong ito. 

Damn! Bakit ba naman kasi nagmamadali itong si Nana? 

Pwede naman namin itong asikasuhin pagkatapos ng libing ni Ara.

Katahimikan.

Biglang nawala yung ingay na likha ng orasan. Tumayo ako at nagpalinga-linga sa paligid. Nasaan kaya iyong orasan? Bakit wala naman akong makitang orasan dito sa sala? Kung gayon, saan nanggagaling ang tunog na iyon kanina?

Then I looked again sa aking wrist watch... And shit!!!  It stopped. 

Itinaktak ko ito. Saka ko lang napansin ang oras dito, it's 10:15 in the evening. Bigla tuloy akong naguluhan. Anong oras na ba talaga? Tiningnan ko iyong oras sa cellphone ko. 

What the! 10:15P.M. din! Namalikmata lang ba ako kanina?

Pagkakuwan ay pinakatitigan ko ang oras sa cellphone ko.Ilang minuto na ba ang lumipas?Bakit hindi nagbabago? Pagkatapos ayitinaktak koulit ito. 

Tila huminto ang oras. 

Darn! 

Kinikilabutan tuloy ako.

Biglang kumurap iyong ilaw dahilan para mapatingala ako. Maya-maya'y may narinig akong ingay. 

May bumubulong.

Saan kaya nanggagaling ang ingay na iyon?

Sinilip ko yung makitid na pasilyo. May naririnig talaga akong bumubulong. Humakbang ako patungo roon. Ilang hakbang pa lang ay may natanaw na ako.

May tao! 

Sya siguro iyong naririnig kong bumubulong. Ang kaso, malayo sya. Kung siya nga iyon, paano nangyaring narinig ko ang bulong niya gayong malayo naman siya sa akin?

Naisipan ko syang lapitan kahit na nagsisimula nang mamuo ang takot sa dibdib ko. Malayo sya pero naririnig ko na mayroon syang ibinubulong. Hindi ko maintindihan iyon kaya mas nilapitan ko pa siya.

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon