KINSE✞

566K 17.9K 32.9K
                                    


XV

She'll Kill Us All

Isko's P.O.V.


HINDI na ako sumama kina Roger at Ka Pineng sa pupuntahan nilang probinsya. 


Ayon kay Roger, doon daw lumaki sina Clarisse at Roli kaya marami akong makukuhang lead sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang mas marami pa akong makukuhang lead dito sa bahay nila kaysa don kaya pinauna ko na sila. 


Usapan namin, susunod na lang ako sa kanila.


Isa pa, alam ko naman na kung saan ang lugar iyon. Ipinaliwanag sa'kin ni Roger ang daan at tatawag-tawagan na lang daw nila ako. Sa ngayon ay narito na ako sa bahay nila kung saan nakaburol pa rin ang katawan ni Ara.


Binuksan ko ang ilaw at bumungad ang kabaong ni Ara ilang hakbang lang ang layo sa akin. Ako lang ang tao rito.


Ayaw na raw kasi bumalik ng mga nakipaglamay, maging ang mga kamaganakan ni Roger, dahil may amoy na ang bangkay. Wala naman kaming naaamoy. Sila lang ang nakakaamoy.


Naglakad ako palapit sa kabaong ni Ara at saka ko sinilip. Heto siya at parang natutulog lang. 


Sayang. 


Napakabata paniya para pumanaw agad.


Pagkatapos ay umakyat ulit ako sa 2nd floor. Mabuti na lang at may malaking salamin dun. Tiningnan ko kung bagay ba sa'kin itong cowboy hat na nakuha ko sa kwarto ni Mrs. Ocampo. 


Bagay nga!


Kay Mrs. Maria Ocampo nga kaya talaga itong cowboy hat? Hinugot ko muli iyong picture sa bulsa ko. Sa picture ay sya ang may hawak nito.


Naalala ko ang nakitang lumang picture ni Clarise na nasa ilalim ng kama kanina. Iyong dalagita pa ito at may katabing babae. Ipinakita ko ang lumang picture na iyon kay Roger kanina, pero ang sabi niya ay first time niya lang daw nakita ang picture. Hindi niya raw kilala iyong katabi ng asawa niya roon. Baka raw kababata. Hindi naman ito mahalaga at walang madadagdag sa lead, kaya bumalik na lang ako sa tapat ng kabaong ni Ara.


Sinilip ko syang muli. Para lang talaga siyang natutulog. Subalit napukaw ng isang bagay sa ulunan niya ang atensyon ko.


Ano iyon?


Sinipat ko nang tingin.


Ano kaya ito? Parang...


Bangaw!


Iniangat ko ang takip ng kabaong subalit hindi iyon natinag. Nang tuluyan ko nang maiangat ang takip, doon na ito gumalaw. Nagsumiksik ito sa buhok ni Ara kaya naman pilit ko itong hinuli subalit dahan-dahan lang.Hindi ko maiwasang mapasulyan sa mukha ni Ara.

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon