XI
✞Janice Part2✞
Janice's P.O.V.
NANGALAY AKO sa pagkakatihaya kaya tumagilid ako ng higa. I can hear my Mom's breath, she's at my back, katabi ko.
Napakalamig!
Giniginaw ako!
Sinubukan kong mamaluktot to embrace myself, but still, it's not enough. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata. I saw my phone infront of my face. Matapos iyon, pikit-mata ko itong kinapa to see kung anong oras na.
It's 10:15 in the evening.
Naramdaman kong gumalaw si Mommy sa aking likuran. "M-Mommy, yakap mo ko..." I whisperedand I know she heard it.
Segundo nga lang at naramdaman ko na ang kanyang braso na dumantaw sa akin mula sa likuran. She always do that, ang yakapin ako mula sa likuran. And I'm comfortable with that, lalong sumasarap ang tulog ko.
But wait!
Malamig ang mga braso nya nang kapain ko ito. It's impossible na mas makaramdam siya ng lamig kesa sa akin dahil mas malapit ako sa aircon. Muli kong hinawakan ang braso niya. Napakalamig talaga nito.
"Mommy? Are you okay?" I asked her.
She did not respond. Mahimbing na siguro ang tulog nya.Then suddenly, my cellphone rang.I looked at it.A call from an unknown number?
Sino kaya ito?
Pero hindi ko na lang ito pinansin.Instead, ipinagpatuloy ko na lang ang naudlot kong tulog."M-Mommy, dantay mo ko..." utos ko muli sa kanya.
Maya-maya nga'y dumantayna si Mommy sa akin. Naramdaman kong ikinulong niya ako sa kanyang braso at hita.Oohh! I love it. Napakasarap matulog kapag ganito.
Then my cellphone rang again.
Darn it!
Sino ba kasi itong tawag nang tawag?!
Mabilis kong dinampot ang cellphone ko and I answered it. "Hello!"
"He+++ Janice!" sagot nito mula sa kabilang linya. Hindi ko ito gaanong marinig dahil choppy.
"Sino 'to?"
"Janice, ma+++ ako ng ++i." Garalgal ang boses nito. Siguro dahil sa signal.
"Hello! Choppy! Sino ka!?" bulong ko pero tila pasigaw ang pagkakasabi ko.
"Janice, hin++ ++ k+ nari+++?" Magulo pa rin ang linya.
"Ano ba yun?!" Sa puntong iyon, parang gusto ko nang putulin ang tawag.
"Sabi ko, ma++++ +++ uw+!"
"Ha?!" Isa pa at ibababa ko na 'to.
"Sabi ko, male-late ako ng uwi..." Biglang luminaw ang linya.Naiintindihan ko na ang sinasabi ng nasa kabilang linya.
Gosh!
Is this real?!
"Oh my God..." Parang huminto ang mundo ko!
"Nakitawag lang ako kasi lowbat ako... Janice?"
Doon na ako nagsimulang makaramdam ng panginginig.Timindig ang mga balahibo ko sa katawan!Nagsimula na rin mangilid ang luha sa aking mga mata.God, please help me!
"Janice? Bakit?"
Pinilit kong magsalita. "M-Mommy?"
"Ako nga, Janice. Bakit?"
BINABASA MO ANG
I Love You, ARA
ParanormalBased on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in horror and paranormal 2015-start of 2016. Artist: Aeious Plata