I'm not sure what happened, but the comments had been deleted. Let's just make new memories. -JF
DISI-OTSO✞
ROGER's POV
Pakiramdam ko, ang oras ay huminto. Ito na siguro ang pinakamatagal na segundo ng buhay ko. Kasabay ng pagpatak ng pawis ko ang pagtulo ng luha ko. Napahagulgol ako.
Putangina! Mamamatay na ako! Ito kasing killer – nasa likod ko.
Nablangko ang isip ko, nanginginig ang aking katawan. Papatayin niya ako ng walang kalaban-laban. Pero hindi. Lalaban ako. Babae lang siya at lalaki ako. Buong lakas akong pumihit. Iyong garapong hawak ko, pinaghahampas ko. Ngunit wala akong tinatamaan. May napupukol ako pero hangin lang.
Nasaan ang killer? Abot niya na ako kanina, pero bakit bigla siyang nawala? Hindi sa nagrereklamo, in fact, I am grateful because I am still alive. But where did she go? Why didn't she kill me when she had a chance?!
"Roger!" sigaw ni Ka Pineng mula sa sasakyan. Naaninag ko siya kahit madilim. Bakit pala hindi niya binuksan ang ilaw?
Awtomatikong gumalaw ang aking paa paatras. Natalisod pa ako at napaupo pero pinilit kong tumayo. Nangangatog pa rin ako. Halos pagapang kong tinakbo ang sasakyan na tinulak ko. Nasa loob non si Ka Pineng. Nasa passenger's seat siya. Akala ko ba na siya ang sa driver's seat?
"Ikaw na ang magmaneho!" sigaw niya.
Wala ako sa sarili. Pilit ko pa ngang kinakapa ang mukha ko kung buhay pa ba ako. Pagkatapos ay mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar yun. Pagtingin ko sa rearview mirror ay namilog ang aking mga mata. Iyong killer – nasa likod, hawak niya ang martilyo, nakasuot ng cowboy had habang nakatanaw sa amin. Bakit niya kami hinayaang makatakas?
Hindi na ako nag-isip pa. Pinaharurot ko ang sasakyan papalayo. Ni hindi ko nga alam kung saan na kami nakarating. Basta nagmaneho lang ako hanggang sa makalayo.
Samantalang si Ka Pineng ay walang kaimik-imik sa tabi ko. Pero panay ang tingin niya sa akin. Iyong pag-iyak ko kasi, naroon pa rin. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na buhay ako. Akala ko talaga ay mamamatay na ako. Ganito pala ang pakiramdam ng muntik ng mamatay.
Pagkatapos nga ay dumeretso na kami sa pinakamalapit na police station. Hindi ko nga alam kung naiintindihan ko pa ang mga tanong ng mga pulis sa akin. Tulala pa rin kasi ako. Wala pa rin ako sa sarili pero kahit paano ay nakapagbigay ako ng salaysay.
Hindi mawala sa isip ko ang killer.
Ang dami kasing tanong sa isip ko. Bakit hindi niya ako pinatay? Bakit hinayaan niya akong mabuhay?
Maya-maya ay rumesponde na ang mga kapulisan patungo sa lugar na iyon. Gusto ko sanang sumama pa pero parang hindi ko na kayang bumalik sa bahay na yun. Pakiramdam ko tuloy, mababaliw ako. Dalawang tao ang namatay sa harapan ko.
Nakatulog pala ako sa sasakyan. Narito pa rin kami sa estasyon ng pulis. Bumungad sa akin si Ka Pineng. "Roger, okay ka na ba?"
Tumango lang ako. Maliwanag na pala. Kinuha ko ang CP ko. Finally! May signal na ako. Kinontak ko agad si Isko ngunit hindi pa rin ito sumasagot.
"Shit!" Naibato ko yung cellphone ko. Bakit ba kasi hindi na nagparamdam itong si Isko? Isang gabi rin namin siyang hinintay sa hotel na pinag-usapan namin bago kami lumarga sa dating bahay ni Clarisse na asawa ko. Pero hindi ito dumating at nagpakita. Siguro kung kasama lang namin siya, baka napatay namin yung killer. Kahit papaano kasi ay marunong sa hand combat si Isko at alam nito mamaril.
BINABASA MO ANG
I Love You, ARA
ParanormalneBased on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in horror and paranormal 2015-start of 2016. Artist: Aeious Plata
