I'm not sure what happened, but the comments had been deleted. Let's just make new memories. -JF
DISI-SIETE✞
ROGER's POV
TOTOO BA ITONG NAKIKITA KO? KANINA LANG KAUSAP NIYA AKO. Nananaginip ba ako? Bangungot na naman ba ito ito?
Iniliwan ko ulit si Fin. Iyong mukha niya ay puro dugo talaga. Tapos sabog ang kanyang bungo. Nayupi yata iyong kanyang noo. Patay na talaga siya. Hindi bangungot. Hindi biro. Kundi totoo.
Ilang beses ko pang ikinurap ang aking mga mata. Naroon pa rin siya sa aking harapan. Nangangatog ako. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Gusto kong tumakbo sa takot pero kinakabahan ako. Hindi ako makakilos, ni makalingon kahit saan. Sanay ako sa mga malalalang kaso, pero hindi ang makakita ng harapang krimen na ganito!
Ang bilis pa ng mga pangyayari. Nalingat lang ako tapos ganito na. Ilang segundo lang ba akong nawala? Oh, crap! Hindi pa rin ako makapaniwala.
Sisigaw ba ako? Oo! Tatawagin ko si Cary. Tatawagin ko si Ka Pineng. Pero hindi! Mahigpit na ipinagbilin ni Ka Pineng na wag akong gagawa ng ingay. Eh, puta anong gagawin ko?!
"Ka Pineng..." Nawala ako sa sarili. Nasambit ko. Pero kulang. Mahina ang tinig ko. "Ka Pineng." Usal lang ito.
"Ka Pineng!" sigaw ko. Hindi na ako nakapagtimpi, napasigaw ako. Iyong mga sinulid. Iyong sinulid sa paligid ko. Itong mga sinulid na nakakonekta kay Fin. Lahat ito ay nagsigalawan.
Anong ibig sabihin nito? Bakit gumagalaw lahat? Huminto. Katahimikan.Tapos may narinig ako. Tapos may narinig akong nananakbo. Mula sa ibaba, may nananakbo. Papunta sa hagdan ito. Palapit yata sa akin yung nananakbo.
Ano ito? Hindi ako makagalaw pano 'to?! Kaya dumapa na lang ako. Nanginginig kong pinatay itong flashlight ko. Pinilit kong gumalaw, gumapang ako. Papalapit na ang nananakbo. Gumapang ako. Mabilis ang gapang ko. Malapit na ang nananakbo. Gapang pa. Gumapang pa ako.
May nakapa ako. Ano ito? Tila ba balat. Nakatayo. Malamig. Para bang paa ng tao. Kay Cary ba? Kay Ka Pineng? Madilim kaya hindi ko makita kung kaninong paa ito.
Lumihis ito. Umalis sa harapan ko at humakbang. Papasok sa pinto. Sa loob ng isang kwarto. Gumapang ako. Sinundan ko ito. Hindi ko na nga alam ang ginagapangan ko. Kagagapang ko, may nakapa akong butas. Butas sa pader, malaking butas. Siguro kasya ang isang tao.
Pumasok ako roon kasehodang maalikabok. Tingin ko, sa kabilang kwarto din ang lalabasan nito. Gumapang pa ako. Hanggang sa may nakapa ako. Ano kaya ito? Animo'y isang libro. Kinuha ko. Bahagya kong inilawan. Oh, it's a photo album. I put it in my coat pocket
Tagaktak na ang pawis ko. Luminga ako sa paligid. Madilim. Wala akong makita. Binuksan ko na ang aking dalang flashlight. Nasa loob nga rin pala ako ng isa pang kwarto. Inilawan ko yung butas na nilusutan ko, tanaw ko yung pinto na aking pinasukan mula rito.
Sino kaya yung nananakbo? Iyong papalapit sa aking nananakbo? Kanino kayang paa iyong nahawakan ko? Iyong pumasok sa kwartong ito? Biglang lumangitngit iyong pinto. Doon sa kabilang kuwarto na inilawan ko.
BINABASA MO ANG
I Love You, ARA
ParanormalBased on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in horror and paranormal 2015-start of 2016. Artist: Aeious Plata
