Prologue

59 0 0
                                    

"YES, PAPUNTA NA ako diyan. My flight was delayed for half an hour, but I think I can make it to the meeting before it ends."

Mabilis kong hinila ang maleta ko nang makita ko ito mula sa scanner. Inipit ko sa tenga ang telepono ko. 

"Don't worry, ipapaiwan ko nalang sa office mo ang files na kailangan mong pirmahan kung hindi ka umabot. Ako nang bahala dito." 

Kung pwede lang akong tumakbo palabas dito sa airport ay ginawa ko na. Pero sa dami ng tao imposibleng magawa ko iyon ng walang nababangga. 

"Thanks, bud. Pakisabi nala--" 

"Ow!" 

Natigil ako sa pagsasalita nang mabangga ko ang isang babae sa sobrang pagmamadali ko. 

"I'm sorry, i'm sorry." 

"Hello, Vlad?" dinig ko mula sa kabilang linya pero nasa babaeng nabangga ko parin ang atensyon ko "Huy!"

"Yeah, uhm..." 

Nilingon ko ang babaeng nabangga ko. Nakatalikod siya at nakayuko na parang may hinahanap. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakatabing ang buhok niya rito. 

"Hey, Vlad something wrong? Vladimir!" 

Natauhan ako dahil sa boses ng kausap ko sa telepono. 

"Nothing. Just bumped into someone. Sige na tatawagan nalang kita pag nasa opisina na ako."

"Yup, adios Rios." 

Ibinaba ko ang telepono. Hindi ko alam kung bakit nakuha ko pang lumingon ng isang beses para hanapin ang babaeng nabangga ko, but I saw nothing. 

Ipinasok ko sa loob ng kotse ang maleta at iba pang mga dala ko. I drove directly to my office. Probably 20 minutes away from the office, 15 minutes kung walang traffic. Baka sakalaing makaabot pa ako sa meeting. 

Nadatnan ko ang mga folders na nakapatong sa mesa ko. Isa-isa kong binuklat ang mga folders para basahin kung tungkol saan ito. 

Narinig ko ang katok mula sa pinto. 

"Goodafternoon, Sir." 

Inangat ko ang aking tingin mula sa mga folders. 

"Yes?" tinitigan ko si Heidi, ang sekretarya ko na malapit nang manganak "Tapos na ba ang meeting?" 

"Almost, Sir. Pinapasabi po pala ni sir Tyler na hindi niyo na daw po kailangang humabol, siya na raw po ang bahala." tumango ako at sinulyapan ang mga folders na hawak niya 

"What are those for?" 

"Ah," lumapit siya at inilapag sa table ko ang mga folders na hawak niya "For approval from accounting department, Sir. Na review na rin po iyan ni sir Samuel, pirma nalang daw po ang kulang." 

"Okay. May meetings pa ba ako today?" 

I fished for a pen inside my pocket. Napakunot ang noo ko nang may isang maliit na bagay akong nakapa. 

"Wala na po. You can go home and have some rest." ngumit siya sa akin "Ay, ito po Sir ballpen." 

Pinirmahan ko ang mga papeles kahit gusto kong usisain ang maliit na bagay na nasa bulsa ng jacket ko.

"Thanks. Ikaw rin magpahinga ka na. Saka nga pala na approve ko na ang maternity leave mo." ngumiti rin ako sa kanya "Congratulations ulit sa inyo." 

Inabot ko ang mga folders sa kanya. 

"Thank you po, Sir. Sana kayo rin sa susunod." 

"Hay nako, nandiyan nanaman iyang mga kalokohan mo." 

Fate's AdvocateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon