Chapter 3

13 0 0
                                    

"KAMUSTA NAMAN ANG experience mo sa pagtatrabaho sa kompanya?"

Napatigil ako sa pagnguya ng kinakain ko nang marinig ko ang tanong ng pinsan kong si Daphne. Alam kong tinatanong niya lang iyon hindi dahil concerned talaga siya kundi dahil gusto niya lang mang-usisa.

"Okay naman. Mababait naman ang mga katrabaho ko." sagot ko nang hindi siya tinitingnan

Naghahapunan kami kasama ang iba pang anak ng lolo ko at dalawa pa naming pinsan.

"Eh dito sa bahay, kamusta ka? Hindi ka naman siguro naliligaw ano? I'm sure hindi ka naman sanay sa malaking bahay kasi hindi naman ganito kalaki ang bahay niyo."

Muntik ko nang irapan siya kung hindi lang dahil nasa harap kami ng hapag.

"Marunong ka bang gumamit ng mga appliances dito? Baka marami ka pang hindi alam kung paano gamitin, pwede naman kitang turuan kung maisingit kita sa schedule ko."

Narinig ko ang pigil na pagtawa ni Carl, ang Kuya ni Daphne na kasing itim rin ng budhi niya. Bata palang kami nang magkakilala kami nina Carl at Daphne. Noon palang mabigat na ang loob nila sa'kin nang magkita kami sa Cebu noong nagbakasyon sila doon.

Ako naman, dahil sa sunod-sunod na mga patama nila sa'kin noon pa man dahil sa nangyari sa buhay ko natuto akong lumaban sa kanila. Magpapa-api ba naman ako? Ang bunso naman nilang kapatid ay si Vino. Nagkahimala yata at mabait naman itong bunso nila. Malayong-malayo sa ugali nilang dalawa.

Tinapos ko ang pagkain ko bago siya sinagot.

"Metro city ang tinitirhan naming lugar sa Cebu, Daphne. Isa pa, nakaka-pagtakang hindi mo alam na malaki ang syudad ng Cebu. May cellphone ka naman baka gusto mong isingit sa schedule mo ang pagre-research para matuto ka naman kahit konti. Excuse me."

Agad akong umakyat papunta sa kwarto ko pagkatapos kong ihatid sa kusina ang pinagkainan ko. Nang palagay ko ay tumahimk na sa ibaba, pumanhik ako palabas ng kwarto para silipin kung naka-alis na ba sila.

Imbis na malaman kung naka-alis na ba sila. Iba naman ang narinig kong naging usapan nila.

"Bakit ba naman kasi siya nandito? Wala naman iyang alam tungkol sa kumpanya." boses ni Daphne "Nandito naman ako bakit hindi nalang ako ang pagtrabahuin mo sa company lolo?"

Napa-iling ako. Ang kapal ng mukha. I doubt it, marami ka lang makaka-away doon dahil diyan sa ugali mong napakasama.

"Hindi ko pwedeng bitiwan si Sylver. Isa pa ilang buwan nalang makukuha ko na ang Rios Company. Mapapabagsak ko rin iyon."

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko nang marinig iyon.

"Pagkatapos kong mapasok ang kompanya ng mga Rios, pwede ko nang paalisin iyang si Sylver at kunin ang kompanya ng mga Rios."

"Dad, nandito naman kaming mga anak mo. Don't you trust us? Wag mo nang isali iyan dito si Sylver. Tama naman si Daphne, wala naman siyang alam sa pagpapatakbo ng kompanya."

"Enrico, ilang buwan nalang mapapabagsak ko na iyang mga Rios, gagamitin lang naman natin si Sylver sandali eh. At mabuti nang siya ang ipain ko sa mga Rios."

Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko nang marealize kong tama nga ang hinala ko. Na ako nga ang tinutukoy niya nung isang gabi na gagamitin niya lang sa laro ng kompanya nila. Pero mas nakakagulat na gusto pala nilang pabagsakin ang mga Rios. Ibig sabihin, hindi naman talaga nila gustong makipagtrabaho sa kanila.

Grabe, dumadaloy talaga sa dugo ang sama ng ugali. In born na nga yata at hereditary pa. Well, mas mana naman ako sa Daddy ko. Mas malakas ang dugo ng mga Eleazar.

Fate's AdvocateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon