Chapter 9

20 0 0
                                    

"VLADIMIR!"

Napatigil ako sa pag-eensayo nang marinig ko ang boses ni Tyler. I turned to his direction and stepped out from the mat.

"May nahanap ka na ba?" pinunasan ko ang pawis ko

"Syempre naman ako pa ba?" tinuro niya pa ang sarili niya "Here." inabot niya sa'kin ang isang card

"This is him, right?" tumango siya

"Tawagan mo nalang daw siya kapag gusto mo nang makipagkita."

"Thanks, bud."

Naglakad kami palayo mula sa mga kasabayan kong nag-eensayo. Umupo kami sa isang bench at kinuha ang kanya-kanyang watter bottle.

"Bakit mo ba kasi naisipang mag-hire ng private investigator ha? Ano nanaman bang pinanggagawa mo?"

I exhaled a heavy breath. Muling bumalik sa isipan ko ang mga mga litratong pinadala sa'kin. Obviously it was one of Jessie's deeds at hindi ako titigil hanggang hindi ko nalalaman ano ang binabalak niya at kung sino pa ang kasama niyang gumagawa nito. I know she can't do anything to harm those people near me all by herself.

"Sylver is in danger." agad na kumunot ang noo niya

"What do you mean?" napatingin siya sa paligid "Ano bang nangyayari sa inyo?"

"Jessie. She sent me photos of Sylver and threatened me. Kung ako lang kaya ko namang ingatan ang sarili ko pero si Sylver kailangan ko siyang protektahan. Ayokong pagdiskitahan siya ni Jessie dagdag pa iyan sa isipin niya."

"Ah, so that's why you went back to doing judo, huh."

Judo was my sport even when I was a kid. Kung may isang bagay akong minana sa tatay ko, yun ang pagju-judo. Pagkatapos ng masamang nangyari sa'kin nung bata pa ako, agad akong tinuruan ng tatay ko na mag-judo. So I can defend myself physically.

"Kung bakit ba naman kasi hanggang ngayon nakabuntot parin iyang Jessie na iyan sa'yo? Ginayuma mo ata eh." tudyo niya sa'kin

"Wala na akong ibang maisip na pinakamadali kong pwedeng gawin para maprotektahan siya eh. Hanggang kasama ko siya sisiguraduhin kong walang makakapanakit sa kanya."

Saglit na tumitig sa akin si Tyler at nakangising umiling-iling.

"Pambihira naman, 'tol! Ngayon lang yata kita nakitang ganyan kabaliw at kaseryoso sa isang babae." uminom ako ng tubig "Mukhang tatatlo nalang talaga kaming magba-bar hopping nito tuwing weekends."

"Baka nga." pabiro niya akong sinuntok sa braso ko "Pero mabait 'yon. Pinagtutulakan pa nga akong umalis para kitain kayo."

"Ha! Patay ka, matakot ka na Vladimir." inakbayan niya ako "Mukhang nahanap mo na ang katapat mong mokong ka."

"Tumahimik ka nga. Akala mo naman may mai-aambag ka talaga pagdating sa love life ko." tumayo ako at sinuot ang gym bag ko "Alis na ako. Pupuntahan ko muna si Sylver."

"Sure, moron. Adios!"

Pumasok ako sa building ng kompanya nila Sylver. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko, nadaanan na kaagad ng paningin ko ang security guard na nakita kong kasama niya sa litrato. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil umiinit lang ang ulo ko kapag naaalala kong mukhang masaya silang nagke-kwentuhan habang kumakain.

Sa pinakagilid akong parte ng opisina dumaan para hindi niya ako makita mula sa one way mirror ng opisina niya.

"Sir Vladimir!" bumati sa akin ang mga taga-opisina nila

Sinenyasan ko silang wag magpapahalatang nandito ako. Mukhang abalang-abala siya sa trabaho. I knocked three times and opened the door. Agad na umangat ang tingin niya mula sa laptop niya.

Fate's AdvocateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon