Chapter 2

3 0 0
                                    


KATATAPOS LANG NG lunch meeting namin ng Caballero Construction Company sa isang restaurant malapit sa kompanya namin. Saglit akong nanatili sa loob ng restaurant para magpahinga kahit konti bago bumalik sa opisina. My phone vibrated and I saw a call from the head of our company's department.

"Hello, Fides? May problema ba?"

"Sir, nandito po ang representative ng Markov company, yung bagong investors from Seattle. Gusto raw po kayong maka-usap."

"Did they schedule a meeting?"

"Hindi nga po, Sir eh. Biglaan daw po kasi dahil baka madelay daw ang pagdating ng investors. Saka may dala din kasi siyang revised proposals."

"O sige papunta na ako diyan." 

Tumayo ako at agad na tumungo sa pinto. I only made few steps when a familiar figure appeared in front of me. Making her way closer to me. After two weeks, I saw her again. A flashback suddenly flooded my mind and I went still.

Una ko siyang nakita nang ipakilala siya ng lolo niya bilang head ng Advertising Department ng kompanya nila. It was lunch time and we just finished the meeting. Bumaba kaagad ako dahil may kailangan pa akong balikang files sa opisina ko at ihatid pabalik dito sa tito ko.

Napahinto ako nang mapadaan ako sa isang bakanteng lugar sa building ng kompanya nila at makarinig ng boses ng babaeng umiiyak.

"Ano ba naman kasi 'to." 

Sumilip ako at nakita ang isang babaeng nakatakip ang mga palad sa mukha niya.

"Ano ba tong gulong napasukan mo, Syl?"

Napakunot ang noo ko at patuloy na pinagmasdan siya. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at saka ko siya nakilala. 

Sylver. 

Kanina lang ay ipinakilala siya ng lolo niya sa harapan namin bilang head ng Advertising Department ng company nila. Agad akong naglakad palayo sa kinaroroonan niya nang tumayo siya at humakbang palapit sa pintuan kung saan ako nakatayo habang tinitingnan siya. 

Sinulyapan ko ang mukha niya habang dumadaan siya sa tabi ko. She didn't even look at me when she passed beside me. Nagpatuloy ako palabas ng restaurant pero hindi ko parin napigilang sumulyap ulit sa loob ng restaurant. She sat at the last table at the back and looked at the menu. Having lunch, huh? 

Pagkabalik ko sa opisina agad kong kinausap ang representative ng Markov Company. We settled some things and rescheduled meetings. May hinahanap akong files sa drawers nang marinig ko ang boses ng tito ko. 

"So how's the lunch meeting with Caballero Construction?" umupo siya "Any update?" 

"Well, nothing new. Still on a bidding, but gave them a deadline to decide whether they're up for the collaboration plus an investment of stocks or not."

"Great. Ikaw nang bahala sa kinila, alam ko namang tama ang gagawin mo." bumuntong-hininga siya "Look Vlad, I know you're still skeptic about our collaboration with the Romero's, but we have to be professional in handling this. Four months and this is done."

"Yeah, sure. I'm just... wondering kung bakit biglang tayo ang pinili nilang makasama para gawin ang isang project na offer sa kanila ng gobyerno. And I think they can pull it off alone." 

He shrugged.

"Nothing we can do about it right now. Inapprove ko na iyan. You know, our mission is to help the community. This project is one way to do so."

Ilang sandali pa kaming nag-usap ng tito ko at agad na siyang umalis pabalik sa loob ng opisina niya. Napahinto ako sa ginagawa ko nang bigla nalang sumagi ulit sa isipan ko si Sylver. An image of her looking at the menu flashed before me. I shook my head and went back to work. 

Fate's AdvocateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon