I CAN'T HELP BUT smile while making my way to the canteen. Buti na nga lang at wala akong kasabay sa elevator kung hindi baka mapagkamalan nila akong high.So she went here to visit me and tell me that she's my girlfriend now. Gusto niya rin pala sana akong sorpresahin.
Nabigla rin naman ako sa sinabi niya kanina. Kung hindi nga lang dahil sa panggugulo sa amin ni Jessie edi sana masaya kaming dalawang nagmi-miryenda ngayon habang sinasabi niya saking girlfriend ko na siya.
I ordered a can of soda and a banana milkshake na napansin kong lagi niyang ino-order tuwing lumalabas kami. I was walking towards the elevator when I felt the ground shaking. Nung una ay hindi pa ako sigurado sa pagyanig na naramdaman ko hanggang sa nakita kong kanya-kanya nang nagsilabasan ang mga empleyado sa loob ng building.
Others are waling as fast as they can towards the nearest exit from where they are. Ang bilis-bilis ng pangyayari na tingin ko ako lang ang hindi kumikilos sa lahat ng taong nasa loob ng building.
Sylver.
Sylver is inside my office. Alone.
"Sir Vlad lumabas na po tayo!!"
Nabalik ako sa tamang huwisyo nang hilain ako ng isang empleyado palabas ng exit pero hindi ako makagalaw.
"Vladimir!" I turned my back and saw my uncle running towards me "Hurry! Lumabas ka na!"
"Sylver." agad kong sambit
"What?" naguguluhang tanong ng tito ko
"SYLVER! SHE'S INSIDE MY OFFICE I HAVE TO GO GET HER!"
Mas lalo pang lumakas ang pagyanig na pati ang ibang paintings at vases ay nagsimula nang magsibagsakan.
"VLADIMIR! LUMABAS NA TAYO! DELIKADO NA SA LOOB!" nagsisigawan na kami ng tito ko dahil nasa harap na kami ng exit pero hindi ko parin magawang lumabas
"I DON'T CARE ANYMORE!!" agad akong tumakbo at ilang beses pang muntik matumba dahil sa lakas ng lindol
"VLADIMIR!!!"
Narinig ko pa ang muling pagtawag ni tito sa pangalan ko at maging ang ibang empleyado ay pinipigilan akong bumalik sa loob. Pero wala na akong ibang maisip kundi si Sylver. Kung nakalabas ba siya ng opisina ko o nanatili siya doon dahil sinabi kong hintaying niya ako.
Sana ligtas siya dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
Mag-isa lang siya nang magsimula ang lindol at nasa mataas siyang floor kaya siguradong mas malakas ang pagyanig doon. Sigurado akong takot na takot siya dahil wala siyang kasama. Ni hindi ko na alam kung anong una kong iisipin sa dami ng tumatakbo sa utak ko dahil sa takot na baka mapahamak si Sylver.
"SYLVER!! SYLVER, WHERE ARE YOU!!!"
Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya habang mabilis na tinatakbo ang hagdan pabalik sa opisina ko. Kulang nalang ay liparin ko ito. Naisampa ko ang kamay ko sa isang salamin nang wala akong ibang makapitan dahil muntik na akong matumba nang mawalan ako ng balanse sa lakas ng pagyanig.
"SYL!!! SYLVER!!"
Hindi na ako nakaabot pa sa floor kung saan ang opisina ko nang mapansin kong may tao sa ibaba ng isang mesa sa third floor. Agad akong lumapit at hindi nga ako nagkamali nang makita ko siyang nakatakip ang mga palad sa tenga niya at matiim na nakapikit.
"SYL!! HEY, SYLVER!!"
Marahan kong niyugyog ang katawan niya. She opened her eyes slowly and looked at me.
BINABASA MO ANG
Fate's Advocate
RomanceMinsan sobrang malaki at maingay ang mundong ginagalawan natin para marinig ang mga bulong ng tadhana, para makita ang mga itinuturo nitong daan dahil sa huli lahat tayo ay pawang maliliit na tuldok lamang. Pero may mga tuldok na magkaiba man ang mu...