I stepped outside my car when I finished parking it inside my house. Katatapos ko lang kausapin ang private investigator na hinire ko para imbestigahan kung sino ang nanggugulo at dahilan kung bakit nanganib ang buhay ni Sylver.Hindi ko alam paano ko masisikmura ang mga nalaman ko. His grandfather went to Singapore not for any business related stuff, but to keep himself safe during the burglary.
Sinasabi ko na nga ba may kinalaman siya sa nangyaring insidente kay Sylver sa mismong bahay niya. Paano niya nagawa iyon kay Sylver? Dahil ba may tinatago siya tungkol sa pagkamatay ng Mommy at Daddy ni Sylver? I can still remember she told me that she saw some documents on his table regarding her parents' accident case.
At talaga bang nagkamali ako na si Jessie ang may pakana ng nangyaring iyon kay Syl?
I blinked my eyes a few times. Bago ako naka-uwi dumaan pa ako kina Tyler na nagba-bar at uminom. Tingin ko naparami ako kaya gusto ko nalang matulog. Tulad ng dati tampulan ako ng tukso dahil nalaman na nilang magkasama na kami sa iisang bubong ni Sylver dahil nakita raw kami ni Kino kanina na magkasabay na pumasok sa bahay ko nang subukan niyang daanan ako para magyayang makipag-inuman.
I entered the house and found no one on the living room or in the kitchen.
"Syl?" tawag ko sa kanya "Sylver, honey where are you?"
Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Mukhang tulog na siya. It's 10pm already.
Kumatok ako bago pumasok sa kwarto.
"I'm going in."
Nagkataon namang pagpasok ko ay siyang paglabas niya mula sa banyo suot ang isang puting roba.
"Vlad, nandito ka na pala." she stopped in front of me
"Yeah, I was calling out for you. I thought you were asleep already."
"Ah, pasensya na. Gumagamit kasi ako ng banyo kaya hindi kita narinig." iginala niya ang kanyang mga mata sa mukha ko "Vlad, naka-inom ka ba?"
"Yeah..." tumango ako "Medyo naparami, ngayon lang kasi ulit kami nakapag-inuman ng mga kaibigan ko."
Unti-unti siyang tumango.
"Sige, maglinis ka na ng katawan. I'll wait for you before going to sleep. Gagamutin ko pa ang mga sugat ko"
Umupo siya sa gilid ng kama at kinuha ang mga panggamot ng sugat.
"Okay. I won't take too long."
Pagkalabas ko ng banyo, naabutan ko siyang nililigpit ang mga ginamit siya. She washed her hands with alcohol and looked at me.
"Tapos ka na ka--" she froze while looking at me "Oh..."
Agad niyang iniwas ang mga mata niya mula sa'kin. For a second I didn't understand why but then I realized that my lower body was just covered with a white towel. Napatigil ako sa pagpaptuyo ng buhok ko gamit ang maliit na tuwalya.
"I-- i'm sorry. M-Magbibihis lang ako saglit."
I hurriedly walked past her and went to my wardrobe. My god, I can't help but smile with how cute she looked when she saw me earlier. Her cheeks were all red.
Nakalimutan ko kasing hindi na pala ako pwedeng maglakad ng nakahubad o nakatuwalya lang dahil magkasama na kami ngayon dito sa bahay. I know I made her uncomfortable, kaya babawiin ko rin naman paglabas ko.
She was watching tv when I sat beside her. Tahimik kaming nanunood ng late night news when she suddenly recognized someone.
"Oh, Rafael! Oh my, it's Rafael. Waahh naging news reporter pala talaga siya. Ang galing niya ah."
BINABASA MO ANG
Fate's Advocate
RomanceMinsan sobrang malaki at maingay ang mundong ginagalawan natin para marinig ang mga bulong ng tadhana, para makita ang mga itinuturo nitong daan dahil sa huli lahat tayo ay pawang maliliit na tuldok lamang. Pero may mga tuldok na magkaiba man ang mu...