"Sigurado po ba kayo diyan?" humawak ako sa railings "Mag-iingat po kayo ayokong pati kayo mapahamak nang dahil sa'kin."
Nasa terrace ako dito sa labas ng kwarto ni Vlad. Kausap ko si Aling Siling habang nasa loob naman siya ng opisina ni lolo sa mansyon nito. Hinahanap niya ang ibang dokumento na pwedeng makatulong para malaman namin kung anong totoong nangyari sa mga magulang ko at kung bakit nila pinalabas na naaksidente sila.
"Wag kang mag-alala, hija. Hindi naman ako mapapahamak dito eh. Masisigurado ko iyan sa'yo.
"Sige po, maraming salamat."
Napabuga ako ng hangin pagkatapos ng pag-uusap namin. Gusto ko sanang tawagan si tita Mago pero alam kong papagalitan niya lang ako sa oras na malaman niyang iniimbestigahan ko ang pagkamatay ng mga magulang ko.
"Syl..."
My whole body froze when I heard his voice. I wanted to turn my back and just go inside the room, but I just can't move.
Ilang beses niya na akong sinubukang kausapin tungkol sa ginawa namin nung isang gabi. Kung gaano kasi siya kahanda na pag-usap iyon, ganon naman ako kahandang gumawa ng palusot para lang umiwas sa kanya.
"Syl..." mariin akong pumikit
Napamulat ako nang maramdaman ko ang mga braso niyang yumayakap sa bewang ko.
"Honey..."
Lumingon ako sa kanya nang maramdaman ang bibig niyang nakadikit sa tenga ko.
"Vlad, m-may kailangan ka b-ba?"
He looked into my eyes. Tumingala ako sa kanya.
"Alam mo naman kung ano ang kailangan ko diba?"
I turned to face him, my back on the railings while his arms are still on my waist.
"Bakit mo ba ako iniiwasan ha?" his voice felt soft
"H-Hindi naman ah."
"Sigurado ka?" inilihis ko ang tingin ko mula sa kanya "Galit ka ba?"
"No!" agad kong sagot "I just feel awkward because of you know, what we did that night."
"Bakit? May masama ba dun? Mali ba yun?"
"Syempre alam kong hindi pero..." napabuntong-hininga ako "Pero alam mo namang kunwari lang 'to diba?"
"But not that kiss. Alam natin parehong totoo yun. Ginusto natin pareho yun diba? Kunwari pa ba talaga lahat ng 'to sa'yo, Syl? Kasi alam kong nagiging totoo na lahat."
Napasapo ako sa noo ko. Bakit ba kasi kami nagpadalos-dalos?
"Oh God, Vladimir!"
"Wala ba talaga akong pag-asa sayo? Kasi ako gusto kita, Syl."
He moved swiftly and gave me a deep kiss on my lips leaving me in total surrender. I blinked a few times trying to process what just happened.
"Oh my God..." I bit my lower lip "Vlad..."
His lips slowly formed into a smirk
"Gusto kita. Gustong-gusto kita. Kaya gusto kitang kayakap, gusto kitang katabi, gusto kitang halikan, gusto kitang ligawan para akin ka--."
I covered his lips and can't help but bite my lower lip. Pakiramdam ko sinisilaban ang buong katawan ko dahil sa sobrang init na nararamdaman ko.
"Tumigil ka na nga nahihiya na ako." he removed my hand and kissed it "Eh bakit ngayon mo lang iyan sinasabi sa'kin?"
He laughed and pulled me closer by the waist. Humawak ako sa mga balikat niya.
"Kasi iniiwasan mo ako palagi. Kaya wag ka na magtaka kung bakit ngayon lang ako nakapagtapat sa'yo."
BINABASA MO ANG
Fate's Advocate
RomanceMinsan sobrang malaki at maingay ang mundong ginagalawan natin para marinig ang mga bulong ng tadhana, para makita ang mga itinuturo nitong daan dahil sa huli lahat tayo ay pawang maliliit na tuldok lamang. Pero may mga tuldok na magkaiba man ang mu...