Chapter 8

50 0 0
                                    


PABABA AKO NG hagdan papunta sa office ni lolo dito sa bahay dala ang mga papapirmahan kong documents sa kanya nang makasalubong ko si Aling Siling na may dalang tasa ng kape.

"Aling Siling, ako na po ang magdadala niyan. Papunta rin naman ako sa office ni lolo."

"O sige, sabihin mo ihahabol ko nalang ang pinapaluto niya."

"Sige po."

Kumatok ako sa opisina niya bago ko pinihit ang doorknob para pumasok. Napatigil ako saglit nang makitang wala siya sa loob. Inilapag ko ang tasa ng kape sa mesa niya. Dinoble check ko pa ang mga dala kong papel hanggang sa masigurado kong wala akong nakalimutang papirmahan sa kanya.

Ilalagay ko na rin sana ang mga dokumentong hawak ko nang mapansin ko ang isang papel na may apelyedo ko. I moved the papers hovering the page where I saw my surname.

Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ang buong dokumento. It's about my parent's case. Bakit nandito 'to? At bakit niya tinitingnan 'to? 

I was about to get the papers when I heard voices outside. Kinuha ko ulit ang mga documents na dinala ko at nagkunwaring binabasa ito.

"Sylver?" lumapit siya sa akin

"Ah, goodevening po. Ihahatid ko lang po yung mga kailangan niyong pirmahan galing sa department namin. Hindi ko na po kasi naihabol kaninang nasa opisina pa kayo."

Tumango siya.

"Just leave it there, I'll review and sign it later."

"Sige po." magpapa-alam na sana ako sa kanya nang muli niyang sinabi ang pangalan ko "May kailangan pa po ba kayo?"

"What's going on between you and Mr. Rios?" seryoso niyang tanong "Totoo ba ang usap-usapan sa loob ng kompanya tungkol sa inyong dalawa?"

Medyo kinabahan ako sa tanong niya pero ito na nga yata ang pinakahihintay ko. Papalayasin niya na kaya ako?

"O-Opo." yumuko ako para iwasan ang titig niya

I can see him staring at me from the corner of my eye and then he moved to sit on his chair.

"Ayaw kong gumawa kayo ng kahit na anong eskandalo sa loob ng kompanya. Pero kung talagang mayroong namamagitan sa inyong dalawa, tingin ko ay hindi ko na kayo mapipigilan."

"P-Po?"

Hindi ko alam kung anong ekspresyon ng mukha ko nang sabihin ko iyon. Bakit hindi siya galit? Diba dapat pagalitan niya ako dahil kalaban niya ang mga Rios?

"H-Hindi po ba kayo galit?" biglang kumunot ang noo niya

"Bakit naman kita papagalitan eh buhay mo naman iyan at may sarili ka nang desisyon." he scanned the papers I brought him "You can take a rest now."

Mabilis kong tinahak ang hagdan paakyat sa kwarto ko. Hindi ko alam kung magdadabog ba ako dahil hindi ito ang inaasahan kong resulta ng plano namin ni Vlad o kung mas kakabahan ako dahil mukhang wala talaga siyang planong pakawalan ako.

Isinara ko kaagad ang pinto at agad na bumalik sa isipan ko ang nakita kong mga dokumento kanina. Ang tungkol sa aksidenteng kinasangkutan ng mga magulang ko. Matagal nang naisara ang kasong iyon, bakit niya binabalikan iyon? At bakit parang mayroon siyang tinatago sa akin tungkol sa mga magulang ko? I saw him covering the papers more when he noticed that I was looking straight at the pile of papers where my parents' case documents were included.

I reached for my phone and dialed the number of the only person I can talk to. Isa, dalawang ring at agad na may sumagot sa kabilang linya.

"Hello, Syl--" I knew I needed to cut him off

Fate's AdvocateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon