"SABAY NA TAYONG mag-lunch mamaya. Dadaanan kita diyan sa building niyo."
Napatitig ako sa text mula kay Vladimir. Hindi ko na eksaktong maalala kung paano kami umabot sa ganitong kasunduan. Ang alam ko hinatid niya ako pauwi sa bahay nung gabing iyon pagkatapos naming mag-usap sa loob ng pub.
Anyway, wala na rin naman akong magagawa kasi pumayag na ako. Isa pa, ako naman ang humingi ng pabor galing sa kanya kaya wala na akong oras para mag-inarte pa.
Maya-maya habang nagtatrabaho ako ay napansin kong parang nagkukumpulan ang mga empleyadong nasa labas ng opisina ko. Tumayo ako para matingnan kung ano ang dahilan.
And then I saw an image of a man holding a paper bag and smiling at the employees. Akala mo naman talaga nagmo-model o nangangampanya sa dating ng ngiti sa mga labi niya.
Anong ginagawa niya dito? Akala ko sa ibabang bahagi ng building lang kami magkikita?
Alam ko na parte ito ng plano namin pero hindi niya man lang ako nakuhang sabihan na pupunta siya dito ngayon. I heard a knock on my door at bago ko pa man mabuksan ito ay bumungad na kaagad sa akin ang nakangiting si Vladimir.
"Hi." kalmado niyang bati
"H-Hello." napatingin ako sa mga empleyado na ngayon ay medyo nakatanaw na sa opisina ko "What are you doing here?!"
"Ha? Diba sabi ko sayo susunduin kita para sabay tayong mag lunch?"
"Oo nga, alam ko. Pero ba't ka pumasok dito?"
"Wala lang. Dito nalang ako dumiretso para sabay na tayong bumaba. Heto, snacks mo para mamaya."
"Salamat."
Inilapag niya ang dala niyang paper bag sa center table. Sumulyap ako sa orasan. Tamang-tama lunch time na nga pala.
"O sige. Kukunin ko muna ang bag ko. Hintayin mo nalang ako sa labas."
"Bakit ko pa gagawin iyon eh nandito na ako? Halika na, sabay na tayong bumaba."
Hindi ko mapigilang iyuko ang ulo ko nang dumaan kami sa harap ng mga empleyado na may mga mapanuring titig sa amin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makasakay na kami sa loob ng kotse niya.
"Binibigla mo naman ako eh. Wala ka man lang pasabi na pupuntahan mo ako sa loob mismo ng opisina ko."
"Syempre kailangan makatotohanan kaya dapat pati ikaw surprised." umirap ako sa kanya at tumingin sa bintana ng kotse niya "So..." nilingon ko siya "Are you ready to be mine?"
Napa-awang ang bibig ko nang marinig ko ang diretsong tanong niya. Ito na ang pangalawang beses na tinanong niya ako nito, una ay nung gabing humingi ako ng pabor sa kanya.
"Y-Yeah." umiwas agad ako ng tingin sa kanya "Ano bang gagawin natin?"
"As I said we will pretend to be in a romantic relationship. Syempre kailangan nating dahan-dahanin para kapani-paniwala."
Dahan-dahan daw pero binibigla naman ako.
"Sigurado ka na ba talaga dito, Vladimir?"
"Why? Feel like backing out?" patuloy siya sa pagmamaneho "Or is there any other way that you can think of para makaalis ka kaagad?"
"Hindi naman sa umaatras ako." bumuntong-hininga ako "Iniisip ko lang kasi na baka may magalit sa'kin kapag nalaman nilang boyfriend na kita. Wala ka ba talagang girlfriend, Vladimir?" tumingin ako ulit sa kanya
"I won't do this if I have one. Isa pa, sinabi ko na sayong single ako diba? Eh baka ikaw may boyfriend ka."
"Sinabi ko na rin sayo na single ako. Papayag ba naman ako sa sinabi mo nung gabing iyon kung meron akong boyfriend?"
BINABASA MO ANG
Fate's Advocate
RomanceMinsan sobrang malaki at maingay ang mundong ginagalawan natin para marinig ang mga bulong ng tadhana, para makita ang mga itinuturo nitong daan dahil sa huli lahat tayo ay pawang maliliit na tuldok lamang. Pero may mga tuldok na magkaiba man ang mu...