INILAPAG KO SA side table and cellphone ko nang hindi parin siya sumasagot kahit tatlong beses ko nang sinusubukang tawagan siya. Lumundo ang kama nang pabagsak akong humiga dito.
Tulog na ba kaagad siya? O baka ayaw niya na akong kausapin? Not that I still had a lot of work related stuff to tell her about, gusto ko lang naman sanang mag-goodnight sa kanya.
Napakunot ang noo ko nang may bigla akong naisip. May iba ba siyang kausap kaya hindi na niya sinasagot ang tawag ko?
"Ugh!" ibinaon ko ang mukha ko sa unan "Why am I so bothered with just simple calls?"
Tumihaya ako at tinalukbong ang kumot. Whatever, I'm just going to sleep, I'm so tired today anyway.
Maaga akong nagising kinabukasan. Naghanda ako ng almusal at agad naligo. I was still busy choosing what to wear today when I heard the doorbell rang. Kaagad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang tito ko.
"Hey, off to somewhere?" tanong niya at pumasok sa loob ng bahay
"Yeah. May kailangan kayo?"
"Wala naman. Ilang araw rin akong naging busy sa pagsama sa tita mo dahil sa mga medical missions niya. Kamusta?"
Umupo siya sa couch habang binobotones ko ang damit ko.
"Just the usual." agad kong sagot na hindi siya tinitingnan
Inayos ko ulit ang buhok ko.
"So..." nilingon ko siya "Meeting a new girl?" ngumisi siya sa akin
"Nope." ngumiti ako "Not just any other girl."
His bows shot up and gave me a meaningful wink.
"Stop. It's not what you think." patuloy siya sa pagngisi habang nakatitig sa akin "Tito, I'm not playing, okay? I'm not playing with her."
Pinagkrus niya ang kanuang mga braso sa harap ng dibdib niya at saka naglakad palapit sa akin.
"What?" I asked when he looked intently at my clothes
"Ayusin mo yang necktie mo. Baka mamaya mabasted ka dahil diyan."
And he chuckled as he went to my kitchen to get some drinks.
Pagkatapos niyang kamustahin ang lagay ng kompanya habang wala siya nung mga nakaraang araw, umalis na rin kaagad siya
Kinuha ko lang ang susi ng kotse ko pagkatapos tinext ko na kaagad si Sylver.
"I'm on my way to fetch you. Are you done already?"
Ilang segundo lang ang lumipas ay nakatanggap kaagad ako ng sagot mula sa kanya.
"Yup, I'm almost there."
Agad siyang naglakad palapit sa kotse nang magkita kami. I opened the door for her and drove directly to the place I plan to bring her to.
"Where's this place?" nakatingala siya sa mga nagtataasang puno "It's so nice here and it's so refreshing."
"Yup, that's why we're here. Nakakapagod na sa syudad. Masyadong maingay tsaka mabuti na to para walang traffic."
Tumango siya sa akin at patuloy na naglakad-lakad. Sinusundan ko siya sa aking tingin at hindi ko mapigilang mapangiti rin tulad niya. Finally, the sadness and fear that coated her eyes whenever I met her sunddenly disappeared.
I brought her to a forest-like restaurant. This is more than an hour away from the city. Hindi masyadong malayo pero sapat na para hindi din masyadong maingay.
"So why do you think he does this? I mean, may alam ka bang motibo ng lolo ko para gawin niya ang lahat ng 'to?"
Napa-isip ako habang ngumunguya ng pagkain. We walked a few steps away from the woods to get to this restaurant where we get to enjoy the view of mountain tops and fresh air. Fit for a pretend first date.
BINABASA MO ANG
Fate's Advocate
RomanceMinsan sobrang malaki at maingay ang mundong ginagalawan natin para marinig ang mga bulong ng tadhana, para makita ang mga itinuturo nitong daan dahil sa huli lahat tayo ay pawang maliliit na tuldok lamang. Pero may mga tuldok na magkaiba man ang mu...