A MONTH AFTER I was sent here to work in my grandfather's company, sunod-sunod na ang pagte-train nila sa'kin para matutunan ang basics para sa papapatakbo ng kompanya.
"Pasok na po tayo, Maam. Naghihintay na po ang lolo niyo sa inyo."
Naputol ang pag-iisip ko habang tinitingala ko ang building ng kompanya ng lolo ko. Unang araw ko ngayon dito at ni hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dinala ako ng isang assistant sa isang may kalakihang opisina.
"Ito po ang magiging opisina niyo, Maam Sylver. This is just a floor away from your grandfather's office." nakangiti niyang usal "Ito po ang mga kailangan niyong gawin ngayong araw."
Inimuwestra niya ang kanyang mga kamay sa mga folders at envelopes na nakapatong sa mesa.
"Lahat po iyan ay galing dito sa department niyo. Blue envelopes are files to be approved and signed. Red envelopes, cases and reports from last year na kailangang i-encode at i-compile. Brown envelopes, reports to be reviewed bago po namin ipasa sa kabilang department para gawan ng headlines."
Itinuro naman niya ang tambak na mga papeles na nasa center table.
"Ito naman for sorting ng mga documentaries and cases solved and not yet solved. Ipapasa niyo po iyan kay Era.." itinuro niya ang babaeng may maikling buhok na nakaharap ang mesa sa opisina ko "Siya po iyon, siya na po kaagad ang bahala diyan. Ito naman pong mga nasa drawers ito po ang mga galing mismo dito sa department niyo, Advertising Department. Kada drawer po ay ibat-ibang papeles at proposals mula mismo sa amin na kailangan ng approval niyo para maipasa rin po kay Sir Federico."
Tuloy-tuloy ang pagbibigay niya ng instructions tungkol sa mga gagawin kong trabaho. Sa sobrang dami hindi ko na matandaan ang umpisa o kung anong uunahin kong gawin ngayong araw. Nang matapos siyang magsalita ay saka ko naman naramdaman na parang sasabog na ang utak ko, diba ang galing?
"Ma'am, just push the green button on the telephone if you need anything, I'll be ready to assist you." nakangiti niyang sabi
"Sige, thank you."
Isa-isa kong binuksan ang mga envelopes at nagsimula nang magtrabaho. Ilang minuto palang akong nagtatrabaho ay pakiramdam ko tino-torture na ako sa dami ng mga gagawin ko. Akala ko pa naman hindi mabigat ang mga trabaho sa unang araw ko dito sa opisina. Minamasahe ko ang noo ko nang pumasok ulit ang assistant na si Tinny.
"Ma'am, pinapahabol po ng Advertising Department." inilagay niya ang mga envelopes sa center table "Saka ito po," lumapit siya sa akin at inabot ang isang folder "Kayo na raw po ang maghatid niyan kay Sir Federico, nasa Conference Room po siya at malapit na pong mag-umpisa ang meeting."
"Okay, so uunahin ko nalang 'to." sabay kaming lumabas papunta sa conference room
Pagkapasok ko ay agad akong sinalubong ng ilang pares ng mga mata. Naglakad ako palapit sa lolo ko.
"Pinapahatid niyo daw po sabi ni Tinny."
"Yes, thank you." inilapag niya ito sa mesa "Everyone, this is my grandchild, Sylver." I greeted them and can't help but bow down "She will manage the Advertising Department and will assist me in some of the major collaborations here in the company just like what we are having today."
Saglit pa akong nanatili doon bago nagpaalam na may mga tatapusin pa akong trabaho sa opisina ko. Pagkabalik ko sa loob ng opisina, umupo ako sa swivel chair at tumingala. Bakit ba naman ako napunta dito eh hindi naman business course ang kinuha ko nung nasa kolehiyo ako? Bumuntong-hininga ako at binalikan ang mga naiwan kong trabaho.
Hindi ko na namalayan ang oras sa dami kong ginagawa, kung hindi pumasok si Tinny para kamustahin ako ni hindi ko malalamang lunch time na pala.
"Ma'am, pwede po kayong magpabili ng mga gusto niyong kainin sa canteen. O kung gusto niyo po pwede rin kayong magpadeliver."
"Ah, sige ako nang bahala. Mag-lunch na rin kayo." nagpasalamat siya at umalis rin kaagad
Lumabas ako sa opisina at imbis na dumiretso sa canteen, dinala ako ng mga paa ko sa isang malawak na espasyo na tanaw ang lawak ng syudad. Hinintay kong sumagot mula sa kabilang linya ang taong tinatawagan ko.
"Hello? Napatawag ka?"
"Tita..." I covered my face with my palm "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Unang araw ko palang tambak na kaagad ang trabaho ko." bumuntong hinga ako "Kung bakit niyo ba naman kasi ako pinadala dito? Saka ano bang malay ko sa pagpapatakbo ng kompanya eh nursing naman ang tinapos ko."
"Syl, alam naman natin pareho na kahit pa mamugto na ang mga ugat ko sa leeg kaka-paliwanag sayo kung bakit kailangan mong pumunta diyan, eh hindi ka naman makikinig sa'kin." saglit siyang natahimik "Nung nagpaliwanag ba ako sayo nakinig ka sakin?"
I rolled my eyes knowing that she defeated me again.
"Basta gagawa ako ng paraan para makaalis ako dito."
"Hay, ewan ko sa'yong bata ka. Sige na kumain ka na diyan and always stay out of trouble."
Ibinaba niya na agad ang telepono. Bagsak ang balikat ko. Umupo ako sa sahig at sumandal sa dingding. Ni hindi ko na namalayang naluluha na pala ako.
"Ano ba naman kasi 'to." saglit kong tinakpan ng palad ko ang mga mata ko
Pagod na ako, gusto ko nalang bumalik sa Cebu.
"Ano ba tong gulong napasukan mo, Syl?"
Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim. I just have to get through today and then things will be okay. Makabalik lang ako sa kwarto ko magiging maayos rin ang araw ko. Tumayo ako at bumalik nalang sa opisina ko. Nawalan na rin ako ng ganang kumain.
"Maam Sylver, tapos na po agad kayong kumain?" tanong ni Tinny nang madaanan ko sila ng mga katrabaho niyang sabay-sabay na kumakain "Kain po tayo."
Nilingon ko siya.
"Yup." nakuha ko pang ngumiti sa kabila ng sama ng pakiramdam ko "Sige kain na kayo diyan wag niyo na akong isipin."
Dumiretso na ako sa loob ng ospisina ko at agad na ginawa ang mga trabahong kailangan kong tapusin. Mabuti na 'tong marami akong ginagawa para mabilis ring lumipas ang oras.
Kinagabihan, bumaba ako saglit para uminon ng tubig nang bigla akong magising. Habang pababa ako ng hagdan, laking gulat ko nang marinig ko ang boses ng lolo ko na may kinakausap sa telepono.
Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko at bakit ko nakuhang makinig sa usapan nang may usapan. Lalo na at mukhang pribado ang pinag-uusapan nila sa tono ng pananalita ni lolo.
"Dont worry. Sigurado akong wala naman siyang kaalam-alam kung bakit siya nandito, you know I made an excuse to explain to her aunt why I need her here. This is a game, we are the players and that person is just a pawn. Gagamitin lang naman natin siya to strengthen our game." narinig ko ang maikling tawa niya
Nang marinig ko ang yabag at boses niya na papalapit sakin, dali-dali akong umakyat pabalik sa kwarto ko. Agad kong sinara ang pintuan at bumalik sa kama.
Ilang minuto na akong nakatitig sa kisame pero hindi parin ako makablik sa pagtulog. Hindi ko alam bakit ako kinabahan bigla dahil sa narinig ko kanina lang. Anong ibig sabihin ng sinabi niya sa kabilang linya ng telepono? Sinong kausap niya? Sinong ginagamit lang nila?
Napakunot ang noo ko at hindi mapigilang paghinalaan siya ng masama base sa tono ng pananalita niya na mukha bang may masamang binabalak.
Could that be..... me?
BINABASA MO ANG
Fate's Advocate
RomanceMinsan sobrang malaki at maingay ang mundong ginagalawan natin para marinig ang mga bulong ng tadhana, para makita ang mga itinuturo nitong daan dahil sa huli lahat tayo ay pawang maliliit na tuldok lamang. Pero may mga tuldok na magkaiba man ang mu...