Chapter 11

20 0 0
                                    


IT WAS PAST 8 in the evening when we reached Vlad's house. Hinatid niya kaagad ako sa magiging kwarto ko.

"So uhm..." he scratched his nape "Ito ang magiging kwarto mo. Will you be fine here?"

"Yup, I'll be okay here."

"That's good to know. I'll leave you for awhile. I know you want to rest now."

"Thanks, Vlad. Bababa naman ako pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko."

Nang maiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto, saka ko napansing ang laki pala ng kama lalo naman ang buong kwarto. No doubt this is his own room. Teka, kung dito ako matutulog sa kwarto niya saan naman siya matutulog?

I went inside the bathroom and saw an array of his toiletries. Kumpletong-kumpleto. In fairness, mukhang naghanda din talaga siya bago ako dumating dito. Pababa palang ako ng hagdan, nakita ko na kaagad si Vlad na naka-upo sa couch at may tinitipa siya sa laptop niya.

"Busyng-busy ka ba?" sumilip ako mula sa likuran niya

"Hey, honey." lumingon siya sa akin, I sat beside him "Just doing some stuff for work."

We watched tv and talked for awhile. And then I felt my eyes grew weary, sumandal ako sa couch at humikab.

"Syl, you can rest now if you want." nilingon ko siya

"Yeah, I was just tired for today. Daming nagyari eh." tumango siya

"Goodnight." niyakap niya ako "Don't forget to clean your wounds before sleeping."

"Yup, of course." I looked at him "Goodnight."

I was about to go upstairs when I remembered a thought that crossed my mind.

"Vlad," lumingon siya sa akin mula sa pagtitipa sa laptop niya "San ka matutulog ngayon?"

Saglit siyang umiwas ng tingin sa akin.

"I still have one spare room there." itinuro niya ang isang kwarto malapit sa kusina "Don't worry about me and take a rest now."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya at umakyat nalang sa kwarto. Grabe, hindi parin ako makapaniwala na sa iisang bubong na kami nakatira ni Vlad. Ang laki ng kama niya, kung sa bagay malaking tao rin naman kasi siya.

Matagal akong nakatulog nung gabing iyon. Siguro dahil sa dami ng iniisip ko at naninibago pa ako sa lugar kung nasaan ako ngayon.

I decided to go downstairs to check if Vlad was already asleep. And then I saw him sleeping on the sofa. Mabilis akong bumaba at tiningnan siya. He had a pillow and a comforter on him. Bakit dito 'to natutulog? Nakita ko sa center table ang mga papeles na kailangan niyang ayusin.

Tinungo ko ang kwarto kung saan daw siya matutulog. Good thing it wasn't locked. I turned the knob and saw a room full of boxes. Wait, this is a storage room, paano siya matutulog dito?

"What... the heck!" agad ko itong sinara "Vladimir!" nanggigil ako sa kanya

Kung hindi lang siya tulog ngayon, tinamaan na siya sa'kin. Bakit ba siya nagsinungaling na may matutulugan siya? Why did he sacrificed his rest for me?

Bumalik ako sa kanya. Inayos ko ang comforter na muntik nang mahulog. I covered his body properly. I sat on the floor and looked at his sleeping face.

"Bakit mo ba naman kasi ginagawa sa'kin 'to Vlad? Bakit ka ba nagsasakripisyo para sa'kin?" hinaplos ko ang buhok niya "Bakit ba... ganito ang nararamdaman ko kapag ikaw ang kasama ko? Ba't ang saya-saya ko na pakiramdam ko walang mali sa buhay ko."

Fate's AdvocateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon