Chapter 6

26 0 0
                                    


Napa-iling nalang ako habang sinesend ang reply ko sa text ni Vlad. Ewan ko ba sa lalaking iyon at palaging inaabala ang sarili niya kahahatid ng miryenda sa opisina ko. Masyadong ma-effort kahit pa nagkukunwari lang naman kami.

"Hi. Pwedeng maki-upo?"

Inangat ko ang tingin ko at naabutan ang isang security guard na may hawak na tray na puno ng pagkain.

"Yes, of course." umupo siya kaharap ko

"Kain tayo." imbita niya

"Sige kain ka na."

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may biglang lumapit na mga kasamahan niyang security guards.

"Huy, ba't nandiyan ka?" napatingin ako sa kanila

"Bakit? Bawal ba dito?" tanong ng sekyung umupo kaharap ko

"Pati ba si ma'am Sylver hindi mo kilala? Apo siya ng may-ari ng kompanya." pabulong niyang sabi na narinig ko parin naman dahil sa lapit nila sa'kin

Napatingin sa akin ang sekyung nasa harapan ko.

"Okay lang, okay lang." agad kong sinabi sa kanila "Empleyado rin naman ako dito tulad niyo."

"Pasensya na po kayo ma'am hindi ko po talaga alam eh." tumayo siya

"Teka, okay lang. Tapusin mo muna iyang pagkain mo, hindi mo naman kailangang umalis." tumingin ako sa mga kasama niyang sekyu "Okay lang talaga. Kumain na rin kayo."

"Sige po, maam. Salamat po." tumango ako sa kanila

"Pasenya na po ulit maam."

"Ano ka ba okay lang naman yun."

"Ako po pala si Lex." inabot niya ang kamay niya sa akin

"Sylver." tinanggap ko ito at kinamayan siya bago itinuloy ang pag-ubis sa pagkain ko

Late na nang makalabas ako mula sa building. Tambak nanaman kasi ang trabaho. Naglakad ako papunta sa parking lot nang makita ko ulit si Lex. Yung sekyung nakasabay kong mag-lunch kanina.

"Uy, ma'am." naglakad siya palapit sa'kin "Gabi na po ah, nandito pa po pala kayo."

"Oo, pero pauwi na rin naman ako. Ikaw? Hindi pa ba tapos ang shift mo?"

"Nagro-roving nalang po ako, maam. Pagkatapos po nito pwede na naman daw po akong mag-out."

"Ah ganun ba, sige mauuna na ako."

"Sige po ma'am. Ingat po kayo."

Naglalakad ako papunta sa parking lot nang mapansin kong parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako pero wala namang kahit sinong nasa likuran ko.

Binilisan ko ang paglalakad ko at kinuha ang cellphone mula sa bag ko, I searched for Vlad's number. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may narinig na akong mga yabag na sumusunod sa akin.

Agad akong pumasok sa sasakyan ko. I wore my seatbelt while searching for the person who might be following me but failed to find anyone. Napahilamos ako sa mukha ko.

Tama ba ang hinala ko o baka naman pagod lang talaga ako? Sino namang susunod sa'kin eh si Vlad lang naman ang nakaka-alam na palabas na ako mula sa opisina. At alam kong pauwi na rin siya sa bahay niya dahil kaka-text niya lang sa'kin.
Napalingo ako. Pagod lang 'to.

Linggo ng umaga at palabas na ako ng bahay nang makasalubong ko si Aling Siling.

"Ma'am, saan po ang punta niyo?"

"Magkikita lang po kami ng kaibigan ko."

Naningkit ang mga mata niya.

"Nako, mukhang napapadalas ang mga paglabas-labas mo kasama iyang kaibigan na iyan." inayos niya ang mga bulaklak sa vase "Sigurado ka bang magkaibigan lang talaga kayo niyan, hija?"

Fate's AdvocateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon