"LIVE WITH ME."
Nakatitig ako sa mukha ni Vlad habang hindi ko parin mapaniwalaan ang narinig ko mula sa kanya. I feel like the time has stopped running after hearing his words. Ilang beses kong sinubukang habulin ang hininga ko dahil pakiramdam ko sisilip na ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.
"V-Vlad.... ano b-ba." iniwas ko ang tingin ko sa kanya "Anong bang pinagsasabi mo?"
Napasapo siya sa bibig niya at bumuntong-hininga bago ako ulit hinarap.
"Sylver, seryoso ako sa sinasabi ko. Ano ba naman..." ginulo niya ang kanyang buhok "Ano ba namang akala mo na nagbibiro ako, sa lagay na 'to magbibiro pa ba ako?"
Mariin akong napapikit at napakamot sa ulo ko.
"Eh kasi pabigla-bigla ka nanaman eh."
"I'm being dead serious here, Syl. Ayokong tumira ka dito tapos walang pakialam sa kaligtasan mo ang lolo mo. Hindi ko naman papayagang mangyari iyon." biglang naging mababa ang tono ng boses niya at nanatiling nakatitig sa mga mata ko "Live with me."
His eyes were asking, were pleading. I can't believe that this is happening nor can I process the fact that we've come to this point. The point of no return.
"Vlad... Oh god." I covered my face with my palms "Vladimir..."
"A-Ayaw mo ba? Okay.... okay lang. Naiintindihan ko naman."
I opened my eyes and removed my hands from covering my face to see him staring down with his hand on his waist and another on his hair.
"V-Vlad...." I bit my lower lip as we looked at each other "Mukha bang ayaw ko? K-Kasi..." I closed my eyes before giving away my answer "Kasi gusto ko din naman."
Hindi ko masigurado kung narinig niyang mabuti dahil sa bilis ng pagkakasabi ko. But I opened my eyes and saw his smile. A smile of relief.
"Thank you. Thank you, Syl." halos pabulong niyang sambit at niyakap ako "Pasensya na kung nahihirapan ka. Pero ito nalang ang meron ako eh, sa ngayon hanggang dito lang muna ang naiisip kong paraan para pinaka-maprotektahan kita."
"Naiintindihan ko naman, Vlad. Nabibigla mo nga lang kaso ako palagi dahil sa mga pinagsasabi mo sa'kin." niyakap ko siya pabalik "Pero paano natin gagawin 'to?"
"Leave that to me, I'll find a way. I promise." hinarap niya ako "Sige na. Sa ngayon magpahinga ka na muna."
"O sige. Pero ikaw? San ka matutulog ngayon?"
"Hmm, inside my car. Bago ako bumalik sa bahay, iidlip muna ako sa loob ng kotse."
"Hindi naman ako papayag nun, inabala kita kaya hindi ko hahayaang sa kotse ka lang magpalipas ng gabi." nilingon ko ang loob ng bagay "Just sleep here. Or let's go inside your car. Dun na din ako magpapahinga para may kasama ka."
"Syl, mahirap matulog sa kotse. Sasakit ang likod mo."
"Kaya nga ayaw kitang matulog dun." hinila ko siya papasok ng bahay "Wag mo na muna akong kontrahin ngayon, okay? Dito ka matutulog."
Dinala ko siya sa isang guest room na nasa first floor lang.
"Syl, you're the one who went through too much tonight. Ikaw ang dapat magpahinga."
Marahan niyang hinila ang katawan ko pahiga sa kama at naka-upong tumabi sa akin.
"Go to sleep now." kinumutan niya ang katawan ko "I'll stay beside you until you fall asleep."
"Pero ikaw? Hindi ka ba magpapahinga?"
"I will. Hihintayin ko lang na makatulog ka and then I'll take a rest too."
BINABASA MO ANG
Fate's Advocate
RomanceMinsan sobrang malaki at maingay ang mundong ginagalawan natin para marinig ang mga bulong ng tadhana, para makita ang mga itinuturo nitong daan dahil sa huli lahat tayo ay pawang maliliit na tuldok lamang. Pero may mga tuldok na magkaiba man ang mu...