19

12.2K 303 18
                                    

PRINCE SKYLER'POV

Matapos ang pangyayare na yun sa pagitan namin ni Stacy ay hindi ko na siya muling nakita, tuwing tinatanong ko ito kay Liam ay marami itong ginagawa at masyadong isinusubsob ang sarili sa trabaho.

Ang balita ko pa ay simula ng may mangyare 5years ago ay itinakwil na siya ng mga lolo at lola niya. Siguro ay tungkol iyon sa'amin. I want to blame my self dahil alam kong tungkol ito sa'akin. Gusto kong kausapin siyang muli pero hindi ko matyempuhan na hindi siya busy or nag iisa siya. Madalas kasi niyang kasama yung kapwa niya secretary.

Napabuntong hininga ako pagbaba ko sa eroplanong sinakyan namin pauwi galing cebu. 2days ako doon dahil narin sa inatinand kong meeting. Nag papasalamat na lang ako dahil sa lumipas na isang buwan bilang CEO ay hindi pa naman ako nasisita kung meron man akong nagawang mali. Sana naman ay wala, tinatanong ko rin kasi minsan si dad kung tama lang ba ang gagawin ko buti na lang at ginaguide at tinutulungan niya ko especially sa mga naging problema sa loob ng isang buwan.

Napahawak ako sa bulsa ko ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko na kakabukas ko lang din. Kinuha ko ito at kunot noong binasa ang may ari ng text message.

From: Dad
We need to talk about Clarise. We'll wait here. Son, this is important.
    - End

Napailing ako dahil kaylangan kong dumeretso sa D.E dahil i need to attend a meeting pero dahil tingin ko ay importante talaga tong kay dad, i have no choice.

Agad kong dinial ang number ng sekretarya kong si Anton at mabilis naman niya itong sinagot.

"Anton, can you remove my meeting, 3hours from now?" Agad na tanong ko.

(Yes sir. Sabihan ko na lang po sila)

"Thankyou" Sagot ko at pinatay na ang cellphone ko.

Habang nasa loob ako ng sasakyan ko at tinutungo ang VV ay hindi ko maiwasang mapaisip kung ano na naman ang ginawa ni Clarise. Isang buwan na kaming wala kaya sana naman ay hindi ito kasing sama tulad ng ginawa niyang panloloko sa'akin.

Halos isang oras ang itinagal ng byahe ko, halos bilisan ko na rin ang pag dadrive ko dahil may hinahabol akong oras buti na lamang ay hindi traffic.

Pag dating ko sa tapat ng bahay namin ay hindi ko na ito pinasok pa sa garage namin. Mabilis akong bumaba ng sasakyan ko at nag dere-deretso sa loob ng bahay. Napahinto pa ako ng makita kong nakaupo sa sofa si Clarise, pinagigitnaan siya nila untie Clark at uncle Terrence. Nakaramdam ako ng kaunting kaba, dahil halata sa mukha ni Clarise ang bagong iyak. Bumuntong hininga ako bago tuluyang lumapit sa'kanila.

"What it is?" Bungad ko sa'kanila. Napatingin naman silang lahat sa'akin. Tumaayo rin si uncle Terrence habang si Clarise ay niyakap ni untie Clark, paiyak kasi ito. Something weird.

"Pakasalan mo ang anak ko Skyler. Hindi namin itotolerate ang ginawa mong ito. Mapapalagpas namin ang ginawa mo noon pero hindi ang isang ito." Uncle Terrence. Mahinahon ang pag kakasabi neto pero halata sa boses niya ang pag pipigil ng galit. Napapailing na naguguluhan ako.

"Wait. What? I don't get it." Naguguluhang tanong ko.

"I-m pregnant Skyler." At tuluyan na ngang umiyak si Clarise. Naguguluhang napatingin ako sa'kanya at sa tiyan niyang may umbok na.

"Ilang buwan na yan?" Biglang tanong ko. "S-i...sigurado kabang ako ang ama niyan?" Sunod sunod na tanong ko.

"Skyler!!" Sigaw ni mom sa'akin kasabay ang malakas na suntok ni uncle Terrence, sa sobrang lakas neto ay napaupo ako. Rinig na rinig ko ang hagulgol ni Clarise habang inaalo naman siya ni untie Clark. Pinigilan naman ni dad si uncle, tiningnan ko si dad nababasa ko sa mga mata niya na may tiwala siya sa mga sinasabi ko. Pinilit kong tumayo at dumistansya sa kanila.

Soldier Of Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon