Prince Skyler Villamore and Stacy Marie Latina
Nakalimutan ko siyang isama kahapon sa UD ko.
Enjoy reading guys.
--STACY MARIE'POV
Naging tahimik ang biyahe namin pagkatapos sabihin ni Skyler iyon. Hindi na rin ako nag tangka pang magsalita dahil walang lumalabas sa bibig ko. Ang kaba ko ay dumodoble dahil palapit na ng palapit ang oras na hinihintay ko, hinihintay yet ayokong dumating.
"P-inuntahan nila ko" Biglang lumabas sa bibig ko.
"What?"
"Y-our mom and dad. They visit me 2weeks ago."
"Anong sinabi nila?" Bakas sa boses ni Skyler ang curious. Hindi ko makita ang pag kaines niya.
"Gusto nilang lumayo ako sayo. They giving me 2weeks. B-ukas na matatapos ang 2weeks Skyler." Naiiyak na salita ko.
"W-hat? Bakit hindi mo agad sinabi sa'akin?" Galit na tanong neto, umiling ako.
"Natatakot ako eh. Tatakot akong mawala ka sa'akin. Natatakot ako na baka bigla ka na lang nilang kunin sa'akin. Ayokong mangyare yun, lalo na't mahal na mahal na kita." Tugon ko.
"Sana sinabi mo sakin para nagawan natin ng action. I'll talk to them." Salita neto matapos ipark ang sasakyan niya sa parking lot ng condominium. Hindi ko na inintay pa siyang mapagbuksan ako ng pinto. Kusa akong lumabas sa takot sa gagawin niya.
"No! Hindi pwede." Salita ko. Tiningnan ako neto ng may nag aalalang tingin, lumapit ako sa'kanya.
"Tinakot ka ba nila na wag sabihin sa'akin?" Tanong neto. Umiling ako dahil iyon naman ang totoo, ayokong kausapin niya ang parents niya dahil baka sabihin nila ang totoong pagkatao ko. Hindi pa ako handang malaman ni Skyler. Hindi pa ngayon, at lalong hindi pa bukas.
"N-o. Wala silang sinabi na wag kong sabihin. H-ayaan mong ako ang mag solusyon neto. I'll talk to them tomorrow. Please Skyler. Wag na." Hinawakan ko ito sa kamay niya at tinitigan siya sa mga mata. "I'll handle this. Okay?" Tugon ko, umiling naman ito.
"We will handle this Stacy. Hindi lang ikaw ang dapat lumaban sa relasyon nato, kundi tayong dalawa." Tugon neto bago malalim na nilabanan ang mga titig ko.
Magkahawak kamay kaming pumasok sa condominium at tahimik na pumasok sa elevator tila dahil sa usapan namin sa parking lot ay nagkaroon ng warak sa pagitan namin.
Sobrang tahimik ni Skyler hanggang sa makarating kami sa tapat ng unit namin dalawa. Bumitaw siya sa kamay ko at pakiramdam mo ay ito na ang pinaka-masakit na ginawa niya. Pakiramdam ko na ang pag bitaw niya sa kamay ko ay ang pag bitaw niya sa relasyon namin.
"Pasok kana muna." Turan neto. Ngumiti ako ng pilit bago tumango. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng unit ko habang nakatingin kami sa isa't isa. Sobrang lungkot ng mga mata ni Skyler, walang lulungkot sa mga matang iyon. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako pag iniisip ko na baka bukas ay mag tapos na kami.
BINABASA MO ANG
Soldier Of Love (Complete)
RomantizmPrince Skyler Villamore is the son of Hannah Mariano-Villamore and Arhen Dela Peña. Stacy Marie Latina is the daughter of Jolen Latina, Arhen's Mistress. They meet, fight and love. What if malaman nila ng past ng bawat isa, malaman ang bawat kwento...