22

13.7K 261 8
                                    

PRINCE SKYLER'POV

Lumipas ang mga oras ay natapos ang unang meeting na nakasched sa araw ko na yun. Buong magdamag lang akong nakatingin sa orasan at hinihintay na mag uwian nila Winter, excited na akong makasama ulit ang anak ko.

"Come in" Turan ko ng biglang may kumatok sa office ko. Sumandal ako at inintay na pumasok ang dahilan ng katok. Napaayos ako ng upo ng makita kong si Aston ito.

"Sir, nasa parking lot na po ang kotseng pinapabili niyo. Sa bank account niyo po kinuha ko ang pambayad neto." Napatayo ako sa tuwa. Tumayo ako at lumapit dito, inabot niya sa'akin ang susi neto at nakangiting tinanggap ko naman ito. Kinuha ko ang susi ng lumang sasakyan ko at mabilis na tinanggal doon ang keychain na binigay ni Stacy 1 year and 4months ago. Bago inabot ang susi ng lumang sasakyan ko kay Aston.

"This is my gift for you." About ko dito. Noong una ay ayaw niya pang tanggapin pero kalaunan ay kinuha niya rin. Lumabas na rin ito ng office ko ng matapos niyang sabihin na may appointment ako with Ms.Salazar. Tulad ko ay maaga sa'kanyang pinamana ang lahat ng ari-arian ng pamilya niya. Even her dad's company ay ibinigay sa'kaniya.

"Aston, punta ka ng office ko please." Salita ko sa intercom ng office ko na nakaconnect sa table ni Anton sa labas neto. Ilang segundo pa ang lumipas ay pumasok na nga ito. "Can you order me a lunch? May malapit na asian restaurant diyan sa labas, order ka ng lunch natin dalawa. And dagdagan mo na rin ng pang isang tao pa at personal na iabot mo kay Stacy." Tumango lang ito at lumabas na rin.

Halos isang oras ang itinagal ni Aston. Nang bumalik ito ay dala na niya ang hinihingi ko. Nadalhan na din daw niya si Stacy na nung una ay ayaw pang tanggapin pero hindi na rin nakatanggi.

"Sir, mag ingat po kayo kay Ms.Salazar." Biglang salita ni Aston habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Natawa ako, para kasing kriminal si Ms.Salazar sa paraan ng pananalita niya.

"Why? As if naman kakainin niya ko." Natatawang salita ko.

"Ang balita ko po kasi ay bigla-bigla na lang tong nang hahalik o naghuhibad. Para lang makuha ang gusto niya. Ayaw niyang madisappointed ang parents niya kaya ginagawa niya lahat para makipag deal sa company nila ang mga natitipuhan nilang kilalang kumpanya." Dere-deretsong salita neto para maging seryoso ako.

"Uhm. Hindi naman niya ko makukuha sa ganun. Siguro ang iba ay mapapa-oo niya kung gagawin niya yun then im not. Loyal din ako no." Salita ko ng biglang mag flash sa utak ko ang itsura ni Stacy.

"Si Ms.Stacy po ba iyon sir?" Nagulat at napatingin ako kay Aston ng sabihin niya iyon.

"H-a? Am i really obvious?" Tanong ko. Tumawa ito ng bahagya.

"Yes Sir. Pero baka ako lang po iyon dahil ngay ako lang ang nakakasama niyo. Pero sir alam niyo naman po diba ang past ng mga parents niyo?" Biglang tanong neto, bigla ay nag seryoso ako. Tumingin ako sa pagkaing nasa tapat ko bago bumuntong hininga.

"Yes. Kaya umuwi ako ng america to forget about her. Pero tila kahit paanong iwas ko. Siya parin eh. You know that Anton? Years past away pero ito at mahal ko parin siya." Salita ko sabay tingin kay Anton. Tumango lang ito.

"Hindi din naman kasi nakabase sa nakaraan niyo sir kung pwede kayo o hindi. Nagiging hindi lang naman to pwede pag parehas na kayong sumuko." Napangiti ako ng totoo.

"Paano kung sa umpisa pa lang mali na?" Tanong ko.

"Hindi mo naman makikitang mali ang isang bagay hanggang hindi mo pa nakikita ang wakas. Maaring mali kung paano kayong nagkakilala pero nagiging tama ang mali kung kayo talaga ang para sa isa't isa." Umiling ako.

"Paano mo bang malalaman kung para kayo sa isa't isa ng taong mahal mo?" Sunod na tanong ko. Umupo naman ito ng maayos at tila nag isip.

"Ako kasi sir, nang makilala ko ang asawa ko. Alam kong siya na agad. Love at first sigh ba? Yung unang kita kasi naming pagkikita, mga unang araw at ilang linggo medyo nag kakaaway pa kami noon. Pero aminado ako noong unang beses na makita ko siya, aba't gandang ganda na talaga ako sa'kanya. Yun nga lang, may pagka-amazona. Lagi akong sinusuntok eh" Kwento neto na ikinatawa ko pero mabilis nag laho ang tawang iyon ng maalala ko ang unang araw na pag kikita namin dalawa

Soldier Of Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon