PRINCE SKYLER'POV
Minasahe ko ang sintido ko kasabay ng pag sandal sa upuan ko. Sumasakit na ang ulo ko kahit na ang totoo ay dalawang araw pa lang simula ng iannounce ni dad na ako na ang bagong president ng company. Dad is still the CEO hindi din kasi ako pumayag na gawin na niya akong CEO agad dahil kakaunti pa lang ang nalalaman ko sa industry na meron ang pamilya ko.
Napatitig ako sa keychain na ibinigay sa'akin 1year ako, hindi ko alam kung bakit pero tuwing tumititig ako sa maliit na bagay na yun ay kumakalma ang isipan ko.
"Son" Napalingon ako sa pintuan ng office ko, dad Thormire is outside. Pumasok ito ng umayos ako ng upo.
"Are you done?" Tumango ako.
"Mauna kana umuwi dad. Napag usapan kasi namin ni Clarise na mag kikita kami sa bar." Salita ko. Tumango naman ito at ngumiti.
"Why don't you ask Clarise to marry you soon?" Biglang tanong nito. Napailing ako sabay pilit na ngumiti.
"Im not ready for that besides, i still have a lots of things to do. Nag aaral parin siya and im still not sure to her.. I mean..."
"I get it." Ngumiti ito. "Basta kung saan masaya ang Prinsipe, doon kami ng kanyang reyna. Basta ba tamang tao lang Skyler." Lumapit ito at tinapik ang balikat ko bago tuluyang lumabas sa office.
Paano nga bang mqgiging tama ang isang tao kung sa umpisa pa lang, mali na ang pinanggalingan neto.
Isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng bumalik kami sa pilipinas ni Clarise. Siya ay busy sa pag aaral samantalang ako ay nag pahinga pa ng halos isang buwan sa bahay, kahapon lang ako nag simulang pumasok at inilagay na agad ako ni dad as president, naging mahirap ang unang araw at ikalawang araw kaya paniguradong magiging mas mahirap ang mga susunod pang mga araw. Kahapon ay nung umuwi lang ako kami nag kita ni Clarise saglit pa iyon dahil mukhang mas pagod na pagod siya sa'akin.
Ilang minuto pa ang tinagal ko sa office ng mag pasya akong ayusin na ang mga gamit ko, ilang sandali pa ay nasa loob na ako ng sasakyan at tinutungo na ang bar na binanggit ni Clarisse.
Pag dating ko sa loob ng bar ay mabilis kong hinanap si Clarise ng hindi ko to makita ay tinawagan ko siya pero nakakailang tawag na ako ay hindi niya parin ito sinasagot kaya naman itinext ko na lang siya at sinabing nasa bar na ako.
Ilang minuto na ang lumipas simula ng maitext o si Clarise pero wala parin siya kaya naman napag pasyahan kong umupo na sa isang stole at umorder ng alak.
Halos isang oras na akong nasa bar bago nakatanggap ng isang text mula kay Clarise, hindi rae ito makakarating dahil sa emergency report nag tataka man ay hinayaan ko na siya kahit na nakaramdam ako ng matinding ines.
Umorder ako ng umorder ng alak hanggang sa nahihilo na ako kaya naman tumungo lang ako doon at tila may naalala 5 taon na ang nakakalipas
-- "What? Tuturuan mo pa kong mag sinungaling sa girlfriend ko? Fuck you dude." Tatayo na sana ako at hahakbang palayo ng makaramdam ako ng matinding hilo, muntik na sana akong tumumba pero may biglang yumakap sa'akin dahilan para hindi ako matumba.
"Okay ka lang Skyler?" Biglang salita ng isang pamilyar na boses. Napaangat ako ng tingin dito at pinaka titigan siya.
"S-tacy? Why are you here?" Nahihilong tanong ko. Umiling ito at inalalayan akong umupo pero muling na-out of balance siya kaya naman sabay kaming natumba sa sofa, pero iba ngayon.. Dahil kasabay ng pag bagsak ko sa'kanya ay ang pagdampi ng mga labi namin. --
Napailing ako ng biglang pumasok sa alaala ko ang eksenang unang beses na naramdaman ko ang labi ni Stacy.
"One vodka please."
BINABASA MO ANG
Soldier Of Love (Complete)
RomancePrince Skyler Villamore is the son of Hannah Mariano-Villamore and Arhen Dela Peña. Stacy Marie Latina is the daughter of Jolen Latina, Arhen's Mistress. They meet, fight and love. What if malaman nila ng past ng bawat isa, malaman ang bawat kwento...