6

13.4K 251 9
                                    

CLARISE'POV

Kakatapos lang ng class ko at naisipan kong sopresahin si Skyler ko. Hanggang ngayon ay kinikilig ako everytime na maiisip kong akin ang lalaking hinahangaan ko ng sobra, una ko pa lang siyang makita noong 4years old ako sa america ay sobrang tuwa ko lalo na't habang lumalaki kami ay nalalaman ko ang tungkol sa nakaraan at kwento sa peklat sa kanyang braso.

Napangiti ako ng makita ko si Prince Skyler na lumabas ng room nila, tatawagin ko na sana siya ng makita kong sumunod sa'kanyang tumatakbo si Stacy. I smiled bitterly. Ayoko man na sanang sumunod pero ang mga paa ko ay tila may sariling isip, sinundan ko siya at dumeretso sila sa rooftop. Tila kumirot ang puso ko ng makita kong kinuha pa ni Skyler ang kamay ni Stacy at hinila ito sa gilid. Kumabog ng husto ang puso ko lalo na sa mga sumunod ko pang narinig.

"Are you stupid? Yes you are. Damn it!" Sigaw neto, naguguluhan ako sa mga pinag sasabi niya. Hindi ko alam kung ano bang tinutukoy niya.

"Ano ba skyler?" Sigaw na sagot ni Stacy.

"Bakit mo hinayaan na may mang-yare sa'atin!"

Tila kinilabutan ako sa narinig ko, tumigil ang mundo ko at tila tumigil ang pulso ko ng ilang segundo, nag paulit-ulit ito sa pandinig ko. Tumulo ng ilang ulit ang luha ko.

"Nadala ako eh. Sorry okay? Hindi mo ba nagustuhan? Kasi ako i really like it. That's my first time you know? You are really lucky" Malambing na sagot niya kay Skyler, naiyukom ko ang kamao ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na para akong inaatake. Sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"You are the lucky here. I'm a Villamore son. Do you know how lucky you are?"

Bakit Skyler?

Tila naging tahimik sila na hindi ko maintindihan, gusto ko silang silipin dahil baka may kung ano nang nangyayare sa'kanila pero napahinto ako ng makarinig ako ng ingay tulad sa isang halikan. Napunasan ko ang luha kong muling tumulo, huminga ako ng malalim para mapigilan ang pag tulo pa ng iba.

"Ipapaalala ko sayo ang nangyare sa'atin." Napaatras ako sa sinabi ni Stacy.

"Go on" Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko, nagawa ko pang mapa-upo sa sahig sa sinagot ni Skyler kay Stacy. Gusto kong mag protesta pero natatakot ako sa mangyayare.

Pinilit kong tumayo sa pag kakaupo ko at pumunta sa pintuan, huminga ako ng malalim at inayos ang sarili. Pinakalma ko rin ang sarili ko bago ko napagpasyahan na mag salita.

"Prince Skyler? Andyan ka ba?" nanginginig na sigaw ko, sinigurado kong maririnig nila ang sigaw ko. Inabot ng ilang sigundo ay wala paring Prince Skyler na lumitaw, muling mapapaluha na sana ako pero agad kong napigilan ng makita kong lumabas mula doon si Skyler.

"Hey andiyan ka pala" Halata sa boses neto ang kabado.

"Yes. Pinuntahan kita sa room mo pero wala ka. Naisip ko na baka andito. Hm.." Pilit kong tiningnan ang pinanggalingan niya, pinapakita kong wala akong alam sa ginagawa nila doon. "Anong ginagawa mo doon?" Tanong ko, napansin ko ang pag lunok niya.

"A-ah kasi.. Nabobored kasi ako kaya nilibot ko tong buong rooftop. K-aya iyon." Napangiting tumango ako dito. Nag patay-malisya ako sa mga narinig ko "Let's go. Nagugutom na ko." Hinawakan neto ang kamay ko at nag mamadali niya akong hinila palabas doon.

Habang nag kaklase ay hindi ko maiwasang kabahan, gustong gusto ko ng puntahan si Prince Skyler sa room niya para masigurong wala silang ginagawa ni Stacy. Kinakabahan ako lalo na't mag kaklase sila, madali lang nilang magagawa ang nais nila.

Nang matapos ang klase ay mabilis kong inayos ang gamit kong nasa lamesa ko, nang maayos ko ito ng tuluyan at mailagay sa bag ko ay dali-dali akong tumayo at minamadali ang lakad para agad marating ang room ni Skyler. Napahinto ako sa pinto ng makita ko itong sinasabunutan ang sarili niya.

Soldier Of Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon