26

13.8K 297 4
                                    

STACY MARIE'POV

Papasok pa lang ako ng opisina ay pakiramdam ko ay pinag uusapan na ako ng mga kaworkmates ko. Pinag titinginan nila ako sabay mag bubulungan sila.

Nung sumakay na ako sa elevator at tila nag siksikan sila sa isang gilid at ang sasama ng tingin nila sa'akin. Naiines ako dahil para akong may isang malalang sakit at nakakahawa.

Pagdating ko sa table ko ay naupo akong kinakabahan. Maya maya pa ay iniayos ko na ang para sa schedule ngayong araw ni Sir Liam.

Nang ipanganak ni si Winter at si Sir Liam agad ang lumapit sa'akin at nag alok ng trabaho dito sa D.E. Kilala niya ako bilang anak ni mom kaya naman ang laki ng hiya ko ng alukin niya akong magtrabaho dito. Hinayaan niya rin akong mag training sa loob ng tatlong buwan. Kahit mahirap ay kinaya kong matutunan lahat ng kaylangan kong malaman tungkol sa pagiging secretary. Ang balita ko rin kasi kay mom ay isa siya sa mga mpag kakatiwalaang secretary sa D.E pero nga ng malaman ang tungkol sa namagitan sa'kanila ni Arhen ay nagkaroon ng ibang tingin sa kanya ang mga employer dito, ang dating paghangang tingin ay napalitan ng nakakadiring tingin.

Wala akong ginagawa na alam kong ipapahamak ko, kaya naman nag tataka ako kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko. Tila ang sayang naramdaman ko kagabi dahil sa namagitan sa'amin ni Skyler ay biglang na lamang nag laho at napalitan ng kaba at pagtataka.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang lumabas mula sa elevator ang limang secretary mula sa iba't ibang stockholders. Papalapit sila sa'akin at nag mamadali, mababasa ko sa mga mata nila ang galit at hindi ko maintindihan kung saan ito mga nang-gagaling.

"Malandi ka! Hindi ka bagay sa pwesto na to!" Sigaw ng isa ng mga nasa harapan ko na sila. Tumayo ako at naguguluhan na tumingin sa'kanya.

"A-nong sinasabi mo?" Nauutal pero naiines na salita ko.

"Kaya pala kahit paanong pag papansin ang ginagawa namin kay Sir Prince Skyler ay nilalandi mo! Manang mana ka talaga sa nanay mong mang-aagaw at maninira pa ng pamilya!" Tila nag pantig ang tenga ko sa narinig ko. Alam ko ang nagawang mga kasalanan ng mama ko pero wala silang alam sa naramdaman neto.

"Umalis na kayo dito bago ako maines ng tuluyan." Salita ko bago umupo. Akala ko ay aalis na sila dahil sa pang iisnob na ginawa ko pero nag kakamali ako. Nagulat ako ng bigla na lang silang lumapit sa'akin at hinawakan nila ako sa mag kabilang braso ko. Hinila nila ako palabas ng table ko, nakita ko pa ang mga kaoffice mate namin na nakikiusosyo sa nangyayare, wala man lang nag tangkang pumigil sa ginagawa nila sa'akin.

"Araaay!" Sigaw ko pagkatapos ay tinulak ko yung dalawang sumasabunot sa buhok ko. Pero muling lumapit sila sa'akin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa pisnge ko ng mag pumiglas ako. Ang isang sampal ay nasundan pa ng dalawa.

"Kaya pala ganun na lang ang hakot mo kay Sir Prince Skyler! Hinahatiran ka pa ni Aston ng pagkain! Malandi ka" Sigaw neto bago muli akong sinampal. Muling sasampalin sana ako ng isa ng biglang may nag salita. Nakakatakot ang boses neto na miske ako at nakaramdam ng takot. Hindi ko pa siya nakikitang ganitong kagalit.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" Malamig pero mababakas dito ang galit. Bigla na lang akong nabitawan ng dalawang may hawak sa'akin dahilan para mapaupo ako sa sahig. Nag lakad palapit sa'akin si Skyler at tinulungan akong makatayo. Napayakap na lang ako sa'kanya at doon umiyak. Hinawakan niya ako sa mag kabilang balikat ko at dahan dahang inilayo mula sa pag kakayakap ko. Tiningnan niya ako sa mga mata.

"Sorry, sana pala pumasok na lang ako." Salita neto. Hinawakan niya ang kamay ko bago humarap sa limang babaeng nakayuko na ngayon. "Anong tingin niyo ang ginawa niyo sa'kanya?" Pero walang sumagot sa kanila. Kita ko kung paanong nag pipigil ng galit si Skyler, at kinakabahan ako sa pwedeng mangyare. "Mag salita kayo!!" Sigaw neto.

Soldier Of Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon