20

13.3K 294 5
                                    

PRINCE SKYLER'POV

Libre ko na yan. Regalo ko para sa isang magandang bata." Salita ko. Nanlaki ang mata neto habang nakanganga na lalong ikina-cute niya.

"Talaga po mister?" Tumango ako ng tumango kaya naman mabilis niya akong niyakap na nakapag pakabog ng dibdib ko.

Weird

"What's your name?" Nakangiting tanong ko ng humiwalay ito sa yakap ko.

"Wi..."

"Winter!" Nanlaki ang mga mata kong natitigilan, napatitig ako sa batang kaharap ko bago dahang dahang napalingon sa likod ko kung saan nang-galing ang boses na iyon.

"S-tacy?"

"S-kyler?" Nagugulat na tawag namin sa isa't isa. Lalo pa akong nagulat ng biglang tumakbo sa'kanya ang batang babae at yumakap sa binti niya.

"Mom, do you know him? He's nice and kind. He will buy me ice cream!!" Nag titiling salita neto pero hindi siya sinagot ni Stacy, titig na titig ito sa'akin at pilit nilalabanan ang mga titig ko. Nakita ko pa ang ilang beses na pag lunok niya. Maya-maya pa ay mabilis niyang binuhat si Winter at nag mamadaling nag lakad palayo sa'akin pero mabilis ko siyang nahabol at nahawakan sa braso niya.

"What's the meaning of this?" Naguguluhang tanong ko. Niyakap niya ang batang babae ng mahigpit. "Stacy, tell me. What's this?" Turo ko kay Winter pero hindi ako sinagot ni Stacy. Tahimik lang siyang nakayuko. "Is she my...."

"Stacy? Andiyan pala kayo" Napalingon ako sa gilid namin na pinanggalingan ng boses. Kunot noong nakatingin ako sa lalaking hindi ko kakilala.

"Papa!" Nag pumiglas ito kay Stacy kaya naman binaba siya neto, tumakbo naman siya sa lalaking tinawag niyang papa!

"Khail." Banggit ni Stacy sa lalaking ito. It means mag kakilala sila. Lumapit siya sa lalaki at akmang aalis na sila ng mag salitang muli ako.

"Who is he?"

"My boyfriend." Sagot neto bago sila tuluyang umalis. Natulala ako at naalala ang mukha ng batang babae. Kamukhang kamukha siya ni Stacy at ang mga mata niya ay kaparehas ko.

What's happening here? Damn it. Is she my daughter?

Tanong ko sa isip ko habang nakatingin sa likod nilang tatlo habang nag lalakad palayo.

Ilang minuto ang itinagal kong nakatayo doon ng mapag pasyahan kong umalis na rin, hindi narin natuloy ang plano kong mamili ng mga kulang sa unit ko dahil nawala na ito sa isip ko.

Umaasa akong makikita ko pa sila sa parking lot pero hindi ko na sila nakita pa. Im bit disappointed dahil pakiramdam ko ay may malaking tinatago sa'akin si Stacy. That Khail, he's familiar to me. Hindi ko lang maalala at hindi ko lang napagtanto kanina na nakita ko na siya somewhere pero hindi ko matandaan kung saan.

Sumakay ako ng sasakyan ko. Pero hindi ko pa itong magawang paandarin dahil hindi ako makapag isip ng tama ng tumatak sa isip ko anf itsura ng bata kanina. Napapalunok ako na umisip ng paraan para malaman ko ang katotohanan.  Mabilis na pinaandar ang sasakyan ko papunta sa VV. Habang nasa byahe ako ay hindi ko maiwasang isipin ang batang Winter. At umaasa na sana ay anak ko siya.

Pag dating ko ng mansyon ay nagulat pa sila dad sa pag dating ko. Natahimik sila na akala mo ay isa akong anghel na dumaan. But i am not.

"Son, why are you here?" Tanong neto.

"Dad, can you call uncle Caleb? Hihingi lang akong favor sana sa'kanya." Sagot ko. Kahit nag tataka man ay sumunod naman siya sa sinabi ko. Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at nag dial dito maya maya pa ay may kausap na ito. "Caleb?.. Yes its me. Are you free tonight?... Damn you dude its important... Yes. Can you come here at my village? My house rather... My son wants to talk to you... Okay, we'll wait" salita neto bago pinatay ang tawag at tumingin sa'akin. "Andito na siya ng 1hour" Salita neto ng makitang nakatingin ako sa'kanya. Tumango naman ako.

Soldier Of Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon