PRINCE SKYLER'POV
Nag lakad ito ng parito't paroon sobra itong nakakahilo kaya naman nilapitan ko siya at hinawakan sa braso. "Bitawan mo ko" Nag pumiglas ito kaya lalo ko pang hinigpitan ang pag kakahawak ko sa'kanya sa braso neto.
"Calm down okay? Alam ng kapatid ko na andito ako kaya pupuntahan nila ako dito.!" Tugon ko. Pero malakas na pumiglas siya sa'akin at umatras, namali siya ng tapak sa sahig at na-out of balance, dahil nakahawak ako sa braso niya ay nakasama niya ako sa pag bagsak.
Napaibabaw ako sa'kanya. Ramdam ko ang malalim na hininga niya, ganun din ako. Titig na titig kaming dalawa sa mga mata namin na tila nakikipag usap siya sa'akin. Ang mga tingin kong iyon ay bumaba sa mga labi niyang mapupula.
"P-rince Skyler??" Napalingon ako sa pinang galingan ng boses na iyon, nanlalaki ang mata ni Clarise na nakatingin sa'akin.
Mabilis kong tinulak si Stacy palayo sa ibabaw ko, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kahit alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama or ginawang masama ay natatakot ako sa kung anoman ang iisipin ni Clarise. Tiningnan ko ng masama si Stacy dahil sa sarili ko ay sinisisi ko siya sa kaartehan niya.
"Clarise, promise, its not what you think."
Ngumiti ito at lumapit sa'akin. Humawak pa siya sa magkabilang pisnge ko bago eto umangkla sa braso ko.
"Tara na, nagugutom na ko." Mahinhin na salita neto, nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Alam ko kasing wala siyang inisip na iba doon sa nakita niya pero kaylangan ko paring ipaliwanag ang nakita niya. Ayokong isipin niya na wala akong pakielam sa feelings niya, alam kong nasaktan siya.
"Sunduin muna natin si Samantha." Tugon ko. Umiling ito na ipinagtaka ko. "Why?"
"Kasama na siya ni Spencer. Nakasalubong namin siya kanina sa daan nung susunduin kana namin sa rooftop." Agad nag salubong ang kilay ko.
"Kilala nila isa't isa? How come?" Tanong ko. Umiling ito.
"Pinakilala ko kanina. Chill ka lang Skyler ko okay?" Bumibungisngis na tugon niya. Tila nakaramdam ako ng kiliti sa puso ko kaya naman kahit pinag titinginan kami ng mga tao ay inakbayan ko siya at hinalikan sa ulo.
"Hm. Sobrang sarap talaga sa pandinig na tawagin mo kong Skyler ko. I love you Clarise ko." Malambing na tugon ko sa'kanya habang nakatingin ako sa dinadaraan namin.
"Baliw ka talaga haha. I love you too Skyler ko. Kahit na nakakaselos talaga yung nakita ko kanina." Napahinto naman ako sa pag lalakad ko sa sinabi niya. Napangiti ako bago ko siya niyakap ng mahigpit, narinig kong nag bulungan ang mga nasa paligid namin pero wala akong pakielam. Ginagawa din kasi namin ito sa america. Walang hirap na pinapakita at pinaparamdam ko sakanya kung gaano ko siya kamahal.
"Nalock kami kanina sa rooftop, nag papanic siya kaya naman pinigilan ko kaso masyadong OA kaya nag pumiglas at na-out of balance. Ayun yung naabutan mo. Sorry okay?" Sinserong salita ko, gumuhit naman ang napaka tamis na ngiti neto sa kanyang mga labi.
"Oo na haha. Tara na, gutom na ko." Tugon neto bago ako muling hinawakan sa braso at hinila papunta kung saan.
"Ako na lang kaya kainin mo?" Suggestion ko, mahinang pinalo naman niya ako sa braso bagong pilyang lumingon sa'akin.
"Mamaya. Haha. Saan tayo?" Tanong neto, nakaramdam naman ako ng excitement sa tinugon neto.
Tulad ng sabi ko, wala pang nangyayare sa'amin. Hindi kami umaabot sa limitasyon namin. Although umaabot kami sa higit sa halik, atlease napipigilan namin or pinipigilan agad namin.
"Sa condo ko. Dad gave it to me yesterday. Mas malapit dito. We can spend our time their of you want" Tugon ko. Tumango naman ito bago umunang maglakad sa'akin. Nakangiting sinundan ko ito.
BINABASA MO ANG
Soldier Of Love (Complete)
RomancePrince Skyler Villamore is the son of Hannah Mariano-Villamore and Arhen Dela Peña. Stacy Marie Latina is the daughter of Jolen Latina, Arhen's Mistress. They meet, fight and love. What if malaman nila ng past ng bawat isa, malaman ang bawat kwento...