28 "Last Chapter"

18.9K 307 19
                                    

PRINCE SKYLER'POV

"Stacy please, lumaban ka. Please honey" Umiiyak na kausap ko dito habang nasa ambulance kami. Kinabitan na siya ng oxygen dahil base sa sinabi ng tao sa loob ng ambulance ay nahihirapan itong huminga. Nakadilat parin si Stacy at titig na titig sa mga mata ko. Hawak ko naman ang kamay niya at patuloy lang sa pag mamakaawang lumaban siya.

"S-kyler" Umiiling iling ako ng paulit-ulit habang nakahawak parin sa kamay niya.

"Don't speak please."

"I-n-aantok ako" Nakangiting salita neto, hindi ko na pinigilan pa ang luha ko na patuloy lang sa pag iyak. Umiiling akong binitawan ang kamay niya at hinawakan ang mag kabilang pisnge niya.

"N-o. Don't sleep. D-on't leave me like this. I'm begging" Hinalikan ko siya sa pisnge at niyakap. Nakatingin lang ako sa mga mata niya kahit na nakayakap ako, ayokong pumikit siya dahil ayokong mawala siya sa'akin.

Halos isang oras na rin ang lumilipas simula bg maipasok sa operating room si Stacy. Walang sawang palakad-lakad ako ng pinto habang nag dadasal. Habang iniintay kong matapos ang pag oopera sa'kanya ay dumating sila dad.

Panay ang hingi ng sorry sa'akin ni dad pero alam kong wala siyang kasalanan, dahil alam kong nagawa naman niya ang ipinangako niya sa'akin na ihahatid niya sa tapat ng restaurant si Stacy. Kasalanan ito noong driver na ngayon ay pinag hahanap na.

Panay ang pag-alo nila sa'akin pero hindi ko mapigilan ang pag-aalala. Kitang kita ko kanina kung paanong bumagsak sa kalsada si Stacy, kitang kita ko kung paanong lumalabas sa mga sugat niya ang mga dugo niya. Sa sobrang takot kong maubos ang dugo niya kanina ay bigla ko na lang siyang binuhat at tumakbo hanggang sa makasalubong nga namin ang ambulance at isinakay kami.

"M-om, hindi ko kakayanin pag nawala na naman siya sa'akin" Umiiyak na salita ko kay mom habang mahigpit ang pag kakayakap ko sa'kanya.

"Ssshhh. Don't say that okay? Hindi siya mawawala sayo. Gagawin lahat ng doctor ang makakaya nila... Gagawin ni Jackson lahat ng makakaya niya mailigtas lang si Stacy. Isa pa, alam kong hindi hahayaan ni Stacy na mawala siya ng ganun ganun na lang. She's brave and strong, Prince Skyler. You need to trust her and your uncke Jackson, especially God" Turan neto. Tumango ako pero hindi na nag salita pa. Patuloy lang ang pag iyak ko habang matiyagang nag mamakaawa sa panginoon na sana ay maging maayos ang operasyon kay Stacy.

Napabitaw ako sa yakap ni mom ng marinig ko ang pag bukas ng pinto ng operating room pero nagulat ako ng dalawang nurse ang lumabas lang doon at tumatakbo pero hinarang ko yung isa.

"Anong nangyayare?" Kinakabahang tanong ko.

"Sie, kukuha po kaming dugo. Please sir kung gusto niyo pong mailigtas ang pasyente paraanin niyo ho ako. Kaylangan naming mag madali" Hindi na neto inintay pa ang sagot ko, nag mamadali lang itong tumakbo palayo sa'amin at ilang minuto pa ay bumalik ito kasama ang isa pang nurse na kasabayan niyang lumabas. Muli silang pumasok sa loob habang dala ang dalawang bag ng dugo.

Ilang oras pa ang itinagal ng operasyon na iyon. Kinukulit ako maya't maya ni Mom na umuwi muna para mag palit ng damit pero ayoko. Gusto kong ako muna ang makaalam kung anong kundisyon ng asawa ko. Gusto ko ng good news. Gusto kong malaman agad na nasa mabuting kalagayan na ang magiging asawa ko.

Muli pang lumipas ang oras at lalong kinakabahan na ako. Maya't maya rin kasi ang labasan ng mga nurse at muling papasok sa loob. Hindi ako doctor pero alam ko sa sarili kong may hindi magandang nangyayare.

Napalingon at nag mamadali akong tumakbo ng muling nakita kong bumukas ang operating room, lumabas doon si Uncle Jackson. Mabilis kong hinawakan ang kamay neto.

Soldier Of Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon