18

12.1K 347 11
                                    

PRINCE SKYLER'POV

Pagkatapos ng party ay nauna ng umuwi si dad dahil namimiss na raw niya si mom. Crazy, as if hindi niya laging nakakasama si mom.

Ako naman ay dumeretso sa room na pinabook ko. Excited akong nag intay kay Stacy dahil gusto ko talaga siyang makausap. Gusto kong pag usapan namin ang nangyari 5years ago. Alam kong hindi pa huli ang lahat sa'amin dahil kahit paanong iwas niya ay ramdam ko ang parin ang pag mamahal niya. Ramdam ko parin na siya parin yung Stacy na minahal ko kahit pa umiiwas siya sa'akin.

Alam kong nasaktan ko siya ng iwan ko siya, nung araw sa airport. Narinig kong tinawag niya ko pero hindi ko siya nilingon, ayokong gumawa muli ng maling desisyon sa mga mata ng parents ko. Alam ko ang hirap nila sa kamay ni Jolen, hanggang ngayon ay naiines ako tuwing nakikita ko ang balat sa gitna ng balikat at dibdib, dalawang bilog ito na pinanggilan ng balang tumama sa'akin noong 4 years old ako. Hindi na to tuluyang nag hilom pa. Ayoko namang gamitan ng kahit anong gamot o sensya ang katawan ko para maalis ito.

Halos dalawang oras na akong nag iintay ay wala paring dumadating na Stacy. Hanggang ang dalawang oras na iyon ay nadagdagan pa ng nadagdagan. Bumubuhay muli ang ines sa dibdib ko. Muli ay pinag damotan niya ako ng kasiyahang makasama siya kahit na ilang oras lang.

Lumabas na ako ng room na iyon at ines na ines na nag lakad papuntang elevator. Pag dating ko sa baba ay binayaran ko na ang oras na naigugul ko at nasayang sa loob ng kwartong iyon.

Dumeretso na ako sa mansyon, pero hindi ako nag tuloy sa kwarto ko. Mabilis na tinungo ko ang bar room namin at doon walang sawang nag iinom ako. Hindi ko na napapansin ang mga naiinom ko basta ang alam ko lang ay lasing na lasing na ako, hindi ko na lang namalayan na nakaupo na ako sa sahig ng bar namin sa bahay.

"Clarise please talk to him, kanina pa siya nag iinom diyan at ayaw mag patigil." Rinig kong salita ni mom pero wala akong maintindihan sa mga pinag sasabi niya.

"I will tita." Rinig ko namang salita ni Clarise pero hindi ko sila pinansin, pinilit kong tumayo at muling uminom pero sa ilatatlong basong tutunggain ko sana ay bigla na lang may umagaw ng basong hawak ko. Masamang tinitigan ko ang kumuha na iyon.

"Pati ba naman alak ay ipag dadamot niyo!" Sigaw ko. Pero inilapag lang neto ang alam sa tapat niya at yumakap sa'akin. "Get off me!" Ines na salita ko.

"No. Magpahinga kana Skyler." Salita neto at inalalayan akong tumayo, wala na akong lakas para mag pumiglas pa kaya hinayaan ko na lang siyang dalhin ako sa kwarto ko.

Pag dating namin sa kwarto ko ay isinara niya pa ang pinto ko at saglit na inalalayan akong makaupo.

"Magpahinga kana okay? Dapat pag nakita kita bukas ay okay kana." Nakangiting tugon neto pero nagulat ako ng makita kong si Stacy ang kaharap ko.

What the fuck?

"B-akit hindi ka p-umunta kanina? Inintay kita" Nagdaramdam na salita ko dito, umupo siya sa harap ko at hinaplos ang pisnge ko, hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Sorry" Ngumiti ito pero hinila ko lang siya para mahalikan.

                         •••••
Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng matinding sakit sa parteng iyon. Napapikit ako at pinilit ang sarili kong makaupo bg mapansin kong may nakayakap sa bewang ako. Napalingon ako sa may ari ng kamay na iyon, nanlalaki ang mga mata kong napatayo ng makita kung sino ito.

"C-larisse" Nag mulat ito ng mga mata at nagusot ang mata niya. Ngumiti itong tumingin sa'akin.

"Good morning" Umupo ito mula sa pag kakahiga niya at tumamblad sa'akin ang may kalakihan niyang dibdib.

Soldier Of Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon